top of page
Search
BULGAR

Kaya 'di raw gumagaling sa sakit… RUDY BALDWIN: KRIS, 'DI DOKTOR ANG KAILANGAN

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 25, 2024



File photo showbiz
File photo: Kris Aquino at Rudy Baldwin

Samantala, nakapanayam ni Ogie Diaz ang tinaguriang visionary na si Rudy Baldwin dahil nagkakatotoo raw lahat ng nakikita niya at sabay posts sa kanyang social media account.


Isa-isang binanggit ni Rudy ang mga kagananapng sakuna na nangyari sa ibang bansa tulad sa Saudi Arabia, Japan, Hong Kong, Taiwan, Singapore at Malaysia. 


Eight years old pa lang daw siya ay nakita na niyang magkakaroon ng tsunami sa Visayas at ito ang Yolanda noong Nobyembre 8, 2013.


Marami pang napag-usapan sina Ogie at Rudy at isa sa mga ito ay ano ang masasabi niya sa pinagdaraanang sakit ngayon ni Kris Aquino.

 

“Kay Kris Aquino, dine-declare nila kasing mawawala siya, nakikita nila ‘yung tao na lumaban (lumalaban) kahit hirap na hirap na siya, lumalaban siya para mabuhay siya, eh, kahit nagbilin na siya. Ang maa-advise ko ay nothing bad kung you just look in the one side of the world. 


“Ano'ng ibig sabihin? I know nagpagamot ka, I know na nagpa-ano ka sa medisina, why (do) you just look in the one side? 


“'Pag nagkasakit tayo, ang epekto ng sakit natin minsan, hindi ‘yung doktor ang makakatulong, nothing bad naman kung magpatingin ka lang,” saad ni Rudy. 


“Faith healer?” tanong ni Ogie kung ito ba ang makakatulong kay Kris. 


“Not faith healer, basta ano lang. How I wish nakita ko siya nang malapit, so, I can tell na 'Oh, ganito lang ‘yan.'


“Kasi kung wini-wish siya ng iba na mamatay, hindi ganu’n ang linya ng kay Kris Aquino, tapos kung (anu-ano sinasabi tungkol sa sakit) history-history na ‘yan, my God, hindi kayo maka-move on? Hindi n’yo ba nakita na ‘yung tao, may (mga) anak ‘yan. Gagaling ‘yan! 


“Try lang niya (magkita kami), kahit ‘wag niya akong bayaran, kahit sampung piso lang.  Kailangan kasi merong galing sa kanya para ‘yung energy ko, lalakas ako ulit. ‘Yung sa kanya kasi, matrabaho 'yan.” 


Ang ipapagawa raw ni Rudy kay Kris, “Papaharapin ko siya sa salamin, mayroon lang siyang ihihilamos na tubig, tumingin siya sa salamin at makikita niya kung sino ang gumawa sa kanya (para siya magkasakit)."


Maniniwala kaya si Kris sa sinabi ni Rudy Baldwin at susubukan nga ito?

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page