ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 24, 2024

Bago naging couple ang TV host at Tutok To Win Partylist representative na si Sam Verzosa at ang Kapuso actress na si Rhian Ramos, wala umano sa plano ng una na tumakbong alkalde ng Maynila sa paparating na election sa Mayo, 2025.
Pero ngayong matunog na kakandidato sa Maynila ang isa sa mga may-ari ng Frontrow, dinagsa ng mga tanong si Sam kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang three-year girlfriend.
Sey ni Sam, “Ayokong ginagamit ‘yan para lang sa mga ganitong panahon kasi baka sabihin… (ginagamit si Rhian). Ganyan po kasi ang karanasan [nakasanayan] ng mga tao, ‘Gagamitin ‘yan.’
“Hindi natin maikakaila, artista po s’ya. Nakausap ko s’ya, sabi ko, ‘Hinding-hindi ko gagawin ‘yung ginagawa ng iba.’
“Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa ‘kin na ginagamit natin. Sana, ‘wag muna nating pag-usapan ‘yan.
“Kapag natapos na ang lahat ng ito, basta kasama ko po s’ya sa lahat ng magagandang hangarin natin na makatulong.”
Hindi na bago kay Sam ang kalakaran ng pulitika na marumi at magulo kaya aniya, nakahanda siyang protektahan ang mga mahal sa buhay including Rhian.
Aniya, “Marami na nga po ang naninira pero sabi nga, you cannot put a good man down.
Kapag may ginagawa kang mabuti, ano pa ang sasabihin nila?
“Basta ako, wala akong ibang gagawin kundi puro pagtulong at kabutihan. Kung gusto nilang pigilan, hindi ho tayo magpapapigil.
“Alam n'yo ho, ‘yung ugali ko, kahit noong bata ako, idina-down na ako buong buhay ko, du’n ko nakukuha ‘yung motivation, du’n ako lalong nanggigigil na magsumikap.
“Kaya lalo nila kaming ginigipit, lalo nila kaming sinisiraan. Salamat po sa inyo, lalo akong nanggigigil na ibigay ang lahat ng meron ako.
“Marami ‘yun kaya magsasawa kayo sa kasisira sa ‘kin dahil lalo ko kayong bibigyan ng dahilan para sumama sa movement na ito.
“Hindi ko ito ginagawa para mamulitika. Ginagawa ko ito para maging inspirasyon at para gayahin ng iba,” pahayag ni Sam Verzosa.
ANG actor na si Wendell Ramos ang kasama ni Tutok To Win Partylist Representative at Dear SV host Sam Verzosa nang bumisita ito sa Smokey Mountain noong Linggo, Setyembre 22, para mamahagi ng tulong sa mga residente ng Tondo sa Maynila.
Ang akala ng karamihan, isinama at sinusuportahan lamang ni Wendell si Sam na matunog na kakandidato bilang mayor ng Maynila sa halalan sa Mayo, 2025.
Nasorpresa ang mga nandu'n nang umakyat si Wendell sa entablado, ipinakilala siya ni Sam bilang “konsehal” ng District IV ng Maynila. Kaya, kumpirmasyon ito na kakandidato rin ang aktor sa eleksiyon sa susunod na taon.
Sa kanyang talumpati, sabi niya, “Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging parte ng pamimigay ng mga pangangailangan ng mga tao.
“Hindi lang dahil sa District IV, gusto ko ring magpasalamat dahil meron tayong bagong show, ‘yung Shining Inheritance (SI),” pagpo-promote pa ni Wendell Ramos sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 kung saa’y kasama siya sa cast.
Comments