top of page
Search
BULGAR

Kaya 'di napapasikat nang husto… CLAUDINE, AMINADONG SAPAW SI JULIA SA KATHNIEL, LIZQUEN, ETC.

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 11, 2021




Kahit malaki pa rin ang tampo ni Claudine Barretto sa pamangkin niyang si Julia Barretto dahil sa personal na away nila ng kapatid na si Marjorie nu'ng mamatay ang kanilang ama, hindi naman niya natiis na hindi ipagtanggol si Julia sa mga bashers-haters.


Grabe ngayon ang inaabot ni Julia sa mga bashers. Tinawag nga nilang laos ang aktres at hindi na raw ito sisikat pa nang husto.


Marami kasi ang naawa at nakisimpatya kay Joshua Garcia nang ipagpalit ni Julia kay Gerald Anderson. Nadamay pa si Julia sa pagiging nega ng nobyong si Gerald.


Maging 'yung isyu ni Julia at ng amang si Dennis Padilla ay mas marami ang kumampi sa veteran comedian. Marami ang na-turn-off kay Julia dahil hindi siya nagpakita ng respeto sa kanyang ama. Hindi man lang daw nagpakita ng concern si Julia nang magka-COVID at maospital si Dennis.


Ito ang dahilan kaya may mga nagsasabing unti-unti nang malalaos si Julia at hindi na sisikat nang husto.


Kinontra naman ito ni Claudine at idinepensa ang kanyang pamangkin. Kaya raw hindi naalagaan ng Dos ang career ni Julia ay dahil maraming inaasikasong talents ang Star Magic tulad ng tambalang KathNiel, LizQuen, Kim Chiu, Maymay Entrata, atbp..


Naniniwala si Claudine na magaling na aktres si Julia at hindi basta-basta malalaos mabigyan lang ng mabigat at magagandang projects tulad niya na matagal na nagpahinga sa paggawa ng pelikula, pero ngayon ay may reunion movie with Mark Anthony Fernandez, ang Deception produced by Viva Films and Borracho Films!

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page