top of page
Search
BULGAR

Kaya bumili ng bahay, Dominic… BEA, PUWEDE NANG TUMIRA SA SPAIN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 14, 2022



Maraming bumilib sa aktres na si Bea Alonzo noong ibahagi nito sa kanyang video post ang pagkakabili nito ng apartment sa Spain nito lang taong 2022.


Marami tuloy ang nag-speculate na baka roon na tumira ang aktres at magpapalit ng citizenship.


Sa panayam ng PEP.ph sa aktres, nilinaw nito na siya'y babalik ng Spain dahil may aayusin ito patungkol sa nabiling property roon. Pero, agad naman niyang nilinaw na hindi siya magpapalit ng citizenship, from Filipino to Spanish, bagkus ay may ilang papeles siyang aayusin at maging ang pagsasaayos ng interiors ng kanyang apartment.


Sa panayam kay Bea, aniya, "Hindi ko alam kung na-absorb nila from my vlog na the reason why I bought the property was to get a golden visa.


"Ibig sabihin, automatic resident ka if you buy a property sa Spain. So I chose Madrid.

"So ngayon, kailangan kong bumalik para mag-biometrics. Pero hindi 'yun citizenship, residency lang," ayon sa panayam sa kanya ng PEP.


Sa madaling salita, ang golden visa is an option in Spain and Portugal allowing residency to wealthy individuals simply by buying a property or by making sizeable investments or donations.


Ayon pa sa aktres, "Pagkabalik ko, kung mape-permit ng schedule, aayusin ko na 'yung interior, tapos ise-share ko 'yun sa inyo sa vlog."


Unang nalaman ang pagkaka-acquire niya ng isang apartment sa Madrid, Spain through her 100th vlog episode on YouTube last May 14, 2022.


Hindi nabanggit ng aktres kung makakasama ba niya ang boyfriend na si Dominique Roque sa pangalawa niyang tahanan sa Madrid, Spain.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page