top of page

Kaya buhay na buhay pa rin… KRIS, 32 IBA’T IBANG GAMOT ANG INIINOM ARAW-ARAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 29, 2025



Photo: Kris Aquino - IG



Proud mommy si Kris Aquino sa kanyang bunsong si Bimby Aquino Yap who just turned 18 years old last April 19.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ipinasilip niya ang simpleng birthday celebration ni Bimby, kung saan nga ay makikitang kahit may sakit si Kris ay masaya pa rin siyang nakisaya sa pagdiriwang.


When asked kung ano ang birthday wish niya for Bimby, sey ni Kris, it’s more of a prayer na kung gaano raw kabait ang kanyang anak ngayon, sana ay manatili itong ganito kabait hanggang sa pagtanda nito.


Sinabi rin ni Kris na gusto niyang maging inspirasyon si Bimby to other kids, hindi lang dahil sa mabubuting traits nito kundi dahil sa pag-aalaga nito sa ina.


“Normally kasi, ‘di ba, ang nag-aalaga, nanay sa anak? Na-reverse na ‘yan talaga,” ani Kris.

Ipinakita nga niya ang larawan kung saan ay nakatingkayad siyang naglalakad habang inaalalayan ni Bimby.


“Ilang beses n’ya akong binuhat talaga dahil may isang gamot ako kasi na when I walk, it’s tilted like that. Tilted ako dahil feeling ko, ‘yung ano, tilted din. Tapos, tumatama ako kung saan-saan kasi hindi ko nare-realize. Kasi ‘yun ang effect ng gamot.


“So, ang ginagawa n’ya, he just carries (me), isang tsuk... ‘yun na,” paliwanag ni Kris.


Ngayong 18 na si Bimby, inamin ni Kris na ipinu-push na niya ang anak na magkaroon na ng girlfriend. In fact, may 3 girls daw siyang napupusuan for him at may isa roon na mas favorite niya among the 3 dahil feeling niya ay bagay daw ang dalawa.


Ipinaalala naman ni Ogie na dati, ang wish ni Kris ay sana’y umabot siya sa 18th birthday ni Bimby. At ngayon ay natupad na ito. 


Wika ni Kris, ang wish naman niya ngayon ay 7 years more pa dahil dream niyang makita si Bimby na nanunumpa as mayor.


“Because gusto n’ya, marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao. Alam kong oh, my gosh, sobrang honest nito, so hindi ‘yan talaga magnanakaw at all. And magaling mag-budget. So, maaalagaan niya ‘yung mga tao,” ani Kris.


Sa ngayon daw ay namimili pa sila kung saang lugar tatakbong mayor ang anak dahil may 4 choices daw ito.


“Sana, buhay pa ako (kapag naging mayor si Bimby),” ang wish ni Tetay.

Pag-a-assure naman ni Bimby sa nanay niya, “Buhay pa.”


Pinuna rin ni Ogie na maganda ang skin ni Kris ngayon at sey naman niya, 32 pieces of medicines daw araw-araw ang kanyang iniinom.


“A lot of vitamins, supplements and maintenance,” ani Kris.


 

MULING nagkasama sina Supremo/Senador Lito Lapid at actor/director Coco Martin sa isinagawang motorcade sa ilang palengke sa Quezon City nitong Linggo, April 27.


Nauna rito, nagsama na sina Coco and Sen. Lito sa motorcade sa Cavite kamakailan matapos mapatay ang karakter ni Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) isang araw bago ang campaign period.


Mainit naman ang pagsalubong ng mga residente sa lungsod sa pag-iikot ng dalawang action superstars sa BQ, na parehas nilang ikinagalak.


“Nakakataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City,” ayon sa action star/senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page