ni Julie Bonifacio @Winner | May 28, 2023
Kitang-kita ang tuwa kay former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa pagdating ng Korean Superstar na si Lee Seung-gi sakay ng private plane ng multi-million businessman.
Sinalubong ni Chavit si LSG sa Platinum Skies Aviation Hangar niya na matatagpuan sa Manila Domestic Airport, Parañaque City last Friday.
Kasama si LSG sa pinaplano ni Chavit na itatayo niyang "little Seoul" sa Metrowalk sa Pasig City either as an endorser, performer, investor or business partner.
So far, si LSG pa lang ang naiisip ni Chavit na K-Pop superstar for his new business venture. Pero tiniyak niya na marami pa siyang kukuning K-Pop artists.
Mas gusto na lang ni Chavit ang magtayo ng negosyo kesa balikan muli ang pulitika.
"Oo, para makabawi sa gastos. Saka mahal sa pulitika," bulalas niya.
"Alam mo ang pagtakbo sa isang posisyon, ano 'yan, eh, kailangan to serve and not to be served.
Kaya kung talagang sincere ka, mahirap. 'Pag 'di ka naman naglingkod, 'di ka tatagal," payo niya.
More or less ay ganito rin ang payo niya sa nakatampuhang (pero ngayon ay bati na uli sila) kaibigan na si boxing legend Manny Pacquiao.
Tinawagan daw siya ni Pacquiao para imbitahin sa nakaraang kaarawan ng dating senador.
"Ay, yes," pagsang-ayon ni Chavit.
"Mas pareho, mas maganda ngayon. Ganu'n naman talaga, eh. Minsan, merong hindi pagkakaintindihan. Pero, hindi naman permanent 'yun. Nagkakausap na kami," pagkumpirma niya.
Susuportahan ba niya si Pacquiao kapag muli itong tumakbo bilang presidente?
Ang mariing sagot ni Chavit, "Senator, susuportahan ko ang campaign niya."
Dugtong pa niya, "Oo, sabi ko nga, 'pag senator ang tatakbuhan niya, tutulungan ko siya.
Sinabi ko na sa kanya 'yan."
Solid daw ang friendship nila ni Pacquiao ngayon, kaya makikita na ulit si Chavit sa likod ni Manny once na lumaban muli ang dating senador sa ring.
"Next fight niya? Wala pa. Baka matuloy 'yung Mayweather. Ang puwede lang niyang labanan ay 'yung mga kaedad niya, eh.
"Hindi puwedeng bata kagaya nu'ng last time. Hindi puwede kasi magbabago ang principle niya, eh. So, puwede si Mayweather. Si McGregor, hindi naman boxer. 'Yung mga ganoon, puwede," pahayag pa ni Chavit.
Tinanong namin ulit siya kung hindi ba niya binigyan ng payo si Pacquiao na mag-retire na sa boxing.
"Uh, kailangang makabawi nang konti. Naubos, eh," sabay tawa ni Chavit.
Kung tama ang pagkakaintindi namin, ang tinutukoy niya ay naubos ang datung ni Manny nang tumakbong pangulo last elections.
What if tumakbo ulit si Pacquiao sa pagka-pangulo?
Sey ni Chavit, "Hindi… hindi. Senador (na lang)."
Ayan, si Chavit na ang nagsabi na hindi na muling tatakbo si Pacquiao sa pagka-presidente ng Pilipinas.
Comments