ni MC - @Sports | December 14, 2022
Sa pagbabalik ni Lito “Thunder Kid” Adiwang sa ONE Championship Circle sa Enero, hindi lang tensiyunado ang nararamdaman dahil sa injury ng ACL tear, kundi maging ang masakit na alaala ng kanyang yumaong ama na pumanaw lamang noong Oktubre.
Makakaharap ni Adiwang si Mansur Malachiev sa ONE Fight Night 6: Superbon vs. Allazov sa Enero 14 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand at motibado siyang makabawi para ikarangal ng kanyang pamilya at ng yumaong ama.
Natamo ng Team Lakay dynamo ang kanyang ACL injury sa nakaraang all-Filipino match laban kay Jeremy Miado sa ONE X noong March, at makaraang maoperahan noong Mayo para isaayos ang napunit na litid, kailangan ni Adiwang ng 6 na buwan na makarekober at paghandaan ang laban na ito.
Mula sa pagkakarekober at hindi inaasahang pagkatalo, alam ni Adiwang kung ano ang dapat niyang isaisip – ang martial arts at ang kompetisyon. “With the trials in my career and life, I've tasted defeat in the game, injury, and losses in life. It's painful and demoralizing. I did reach my breaking point, but [I know] that if I [succumb] to this emotional and painful feeling, this can be my downfall,” saad ni Adiwang.
“This time, I just need to hold my head up high. I need to collect and compose myself and hold on to my belief that God put me here for a reason, and that I still have a purpose to fulfill – to become a champion in my career.”
Mabigat na pagsubok ito kay Adiwang lalo na noong nakikiusap siya sa kanyang ama na huwag munang sumuko sa buhay, hangga't hindi siya napapanood sa laban niya sa Bangkok.
Comentários