top of page
Search
BULGAR

Kauna-unahang kaso sa Australia... 2 pasahero positibo sa Omicron variant

ni Lolet Abania | November 28, 2021



Ipinahayag ng mga health officials sa Australia ngayong Linggo na naka-detect sila sa kauna-unahang pagkakataon ng COVID-19 Omicron variant matapos na masuri ang dalawang pasahero na nagmula sa southern Africa at lumipad patungong Sydney.


Ayon sa eastern state health authority ng New South Wales, nagsagawa sila ng agarang genomic testing at nakumpirma na tinamaan ng bagong strain ang dalawang pasahero na dumating sa Sydney nitong Sabado.


Sa isang statement ng NSW Health, ang parehong pasahero ay nanggaling sa southern Africa at dumating sa Australia sakay ng Qatar Airways flight via Doha.


Nagpositibo sila sa test sa COVID-19 ilang saglit lang matapos dumating sa naturang bansa, na nagresulta sa agad nilang analysis sa posibleng impeksyon ng matinding mutation ng Omicron strain.


“The two positive cases, who were asymptomatic, are in isolation in the special health accommodation. Both people are fully vaccinated,” sabi ng NSW Health.


Sinabi naman ng health authority na mayroong 12 pasahero pa mula sa southern Africa na nasa pareho ring flight ang nagnegatibo sa test sa COVID-19, subalit isinailalim na sila sa quarantine.


Gayundin, tinatayang 260 passengers at crew sa nabanggit na eroplano ang pinayuhan nang mag-isolate.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page