ni Thea Janica Teh | July 31, 2020
Isang 7-year-old german shepherd mula sa Staten Island, New York ang kauna-unahang
nagpositibo sa COVID-19 sa United States at ito ay pumanaw na noong July 11 matapos ang 3 buwang pakikipaglaban sa sakit.
Hindi pa malinaw kung namatay ba si Buddy dahil nahawa ito sa kaniyang amo na si Robert Mahoney ng COVID-19 o namatay ito dahil sa lymphoma.
Ayon sa dalawang beterenaryo na tumingin sa medical record ni Budy mula sa National
Geographic, sinasabing ito ay maaaring namatay dahil sa cancer.
"It's unclear whether cancer made him more susceptible to contracting the coronavirus, or if the virus made him ill, or if it was just a case of coincidental timing" sabi sa isang magazine.
Nagkasakit umano ang aso noong April at iniisip na ni Mahoney na siya ay positibo sa virus, ngunit Mayo na ng makakita ang pamilya ng veterinary clinic na nagkumpirma na positibo ito sa COVID-19.
Noong June 2, kinumpirma ng US Department of Agriculture na si Buddy ang kauna-unahang aso na nagpositibo sa COVID-19 sa US. May nakita umano itong mga sintomas ng respiratory illness at inaasahan na gagaling ito agad.
Ngunit, hindi it nangyari. Sa kuwento ni Allison Mahoney, sinabi nito sa National Geographic na noong July 11, naglalabas na ng clotted blood si Buddy.
Hindi umano mandatory na sumailalim sa test ang mga hayop na naninirahan kasama ng kanilang mga amo na nagpositibo sa virus kaya hindi tiyak kung ilan ng hayop ang
nakakuha ng virus at nakararanas din ng iba pang sakit.
Comments