top of page
Search
BULGAR

Kaugnayan ng kuwento ni Adam at Eve sa paghahanapbuhay ng tao ngayon

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| July 22, 2020



Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.

Balikan natin ang pagsisimula ng sibilisasyon kung saan lumabas sa Garden of Eden ang mga unang tao.


Sa kanilang bagong mundo, napakaraming panganib sa buhay at kalusugan, parang tayo ngayon na pagkatapos ng lockdown ay nakalalabas na tayo. Ang panganib sa buhay ay hindi naman gaanong nasa ating harapan, pero ang panganib sa kalusugan ay napakalapit sa atin.


Tulad ng mga unang tao sa simula ng sibilisasyon, kahit may panganib sa paligid, sila ay kumikilos para mabuhay. Kaya tayo ngayon ay walang karapatan na manatiling takot at hindi maghahanapbuhay para mapaganda ang ating kinabukasan.


Ang isa sa anak nina Adam at Eve na si Cain ay nag-alaga ng halaman, nagbungkal ng mga bukirin at tinamnan niya ng mga mapakikinabangang halaman. Kaya si Cain ay kinilala ng history of the world bilang Father of Agriculture.


Ang isa pang anak nina Adam at Eve na si Abel ay nahilig sa hunting. Ito ang pangangaso ng mga hayop na kanilang kakainin. Sa kanyang pagha-hunting, may mga natuklasan siyang hayop na puwedeng alagaan, kaya siya ay tinawag ng history of the world na Father of Breeding Domestic Animals.


Makikita natin na ang mundo, kahit nakakatakot para sa pamilya ni Adam at Eve ay nagawa pa rin nilang maghanapbuhay, kaya kahit may COVID-19 sa palagid, kailangan din nating maghanapbuhay.


Pero bakit nga ba kailangan nina Adam at Eve at tayo mismo na maghanapbuhay?


Ganito ang paunang katotohanan na pinagmulan ng lahat. Sinabi ni God, huwag n’yong kakainin ang bunga ng puno sa gitna ng garden.


Sabi pa ni God, kapag kinain n’yo, walang pagsalang at kayo ay mamamatay. Ang salitang “walang pagsala” ay tiyak na sila ay mamamatay dahil ito rin ay nangangahulugan na walang sablay, walang daplis, walang duda na ang kamatayan nila ay tiyak.


Marami ang nagsasabi na dahil umabot ang buhay nina Adam at Eve sa hundreds bago sila namatay, mali ang binitawang salita ni God na kapag kinain nila ang bunga ng ipinagbabawal kainin ay walang pagsala na sila ay mamamatay.


Kumbaga, buhay pa sina Adam at Eve, kaya nanganak pa siya at nakalabas ng garden. Kung sa pagkain nila ng bawal na bunga ay namatay sila tulad ng sinabi ni God, bakit mukhang buhay na buhay pa rin sila?


Nagkamali kaya si God? Mas tama kaya ang sinabi ni Satan na kapag kinain n’yo ang bawal na pagkain, hindi kayo mamamatay? Sabi pa ni Satan, madidilat ang inyong mga mata at magiging parang Diyos kayo at malalaman n’yo ang mabuti at masama.


Ang mga sinabing ito ni Satan sa biglang tingin ay nagkatotoo, kaya marami ang nagsasabing mukhang nagkamali si God at mukhang siya ay Diyos na sinungaling. Ito ang ating sasagutin sa susunod na isyu.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Komentāri


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page