top of page
Search
BULGAR

Katotohanan sa paggamit ng tuob kontra COVID-19

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| July 31, 2020



Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.

Pag-aralan natin ngayon ang sinasabing “walang gamot” sa COVID-19. Ito ay hindi totoo dahil ang mas tamang sabihin ay may gamot sa COVID-19, pero hindi pa nadidiskubre.


Nakapagtataka ang madalas na sinasabi ng Department of Health (DOH) kapag may lumabas na nakahanap ng solusyon para mapagaling ang kanilang naranasang pagkakasakit ng COVID-19.


Ang huling sinabi ng DOH na walang gamot sa COVID-19 ay tungkol sa naranasan ng mga taga-Cebu City na bumubuti ang kanilang katawan sa “tuob”. Makikitang ang DOH ay sobrang kill-joy at mukhang bulag sa katotohanan na ayaw magsuri o mag-aral kung bakit nauso sa Cebu ang tuob.


Ayon sa isang opiyales ng pamahalaan sa Cebu, may isang pamilya na ang anak nila ang kumpirmadong may COVID-19 sa USA o America. Pero dahil sa sobrang dami ng may COVID-19 sa USA, ang nasabing pamilya ay hindi na tinanggap sa mga hospital.


Nagkataong ang nanay ay taga-Cebu kaya sa takot na mamatay sila, nag-message sila sa mga kamag-anak sa Cebu kung paano ang tamang paraan ng pagtu-tuob dahil alam niyang ito ay isang tradisyunal na paraan ng panggagamot sa kanilang bayan. Hindi lang isang kaanak nila ang hiningan niya ng payo para makatiyak siya na tamang paraan ang gagawin nilang pagtu-tuob.


Sa madaling salita, ang kanyang buong pamilya na gumamit ng tradisyunal na paraan o tuob ay nagsigaling sa COVID-19.


Sa ganitong katotohanan, hindi dapat sisihin ang mayor na nagpayo sa kanyang mga kababayan na gamitin din ang tuob para labanan ang COVID-19.


Samantala, parang napahiya ang mga taga-DOH dahil ayon sa mga taga-Cebu, epektibo ang tuob para sa kanila. Parang siniraan pa ng DOH ang tuob at sinabing hindi ito gamot sa COVID-19.


Walang karapatan ang sinuman ngayon na sabihing walang gamot sa COVID-19 dahil patuloy ang lahat sa paghahanap ng gamot.


Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-announce na magbibigay siya ng milyun-milyong piso sa sinumang makakahanap ng gamot kontra COVID-19. Ibig sabihin, hindi siya naniniwala sa sinasabing walang gamot sa COVID-19.


Ang ibig sabihin ng “discover” ay ‘yung nasa tanong na “Who discovered the Philippines?” Ang sagot ng lahat na nag-uunahan pa kung sino ang unang makasagot ay si Magellan.


Malinaw na hindi si Magellan ang sagot dahil wala pa siya ay Pilipinas na ang naghihintay ng mga dayuhang nagsasabing sila ang naka-discover sa bansa natin.


Kaya ang wala pang nadidiskubreng gamot ay hindi nangangahulugan na walang gamot. Ito ay simpleng nagsasabi na naghihintay ang gamot na ito o sila na madiskober ng masuwerteng tatanggap ng milyun-milyong piso.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page