top of page
Search
BULGAR

Katotohanan sa “extra pleasure” ‘pag may “extra stitch” ang bagong panganak

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | October 17, 2020




Dear Doc. Shane,

Ipinanganak ko ang aking panganay nang normal delivery. Ngunit dahil malaki ang bata ay napunit ang aking ari at kailangang tahiin. Tinanong ng kumare ko kung pinasikipan ko raw ba ang pagkakatahi? ‘Yun daw ay para maging happy si mister. Hindi ba pare-pareho lang naman ang tahi na ‘yan? – Evelyn


Sagot


Ang episiotomy matapos manganak ay ginagawa kapag nagkaroon ng tear o punit sa vagina.


Madalas ay tampulan ng biruan ng mag-asaawa at magkakaibigan na may asawa na kung “pinasikipan” ba ang puwerta o tahi pagkatapos manganak? Hindi alam ng karamihan na hindi ito biro. May kababaihang mayroong “extra stitch” sa episiotomy matapos manganak dahil sa rason na ‘yan.


Kapag nanganganak, lalo kung vaginal delivery ay may posibilidad na magkaroon ng punit o natural vaginal tear. Minsan ay sadyang ginugupit ng doktor ang tender perineum tissues sa puwerta para mapadali ang paglabas ng bata. Ito ang tinatawag na episiotomy.


Pagkatapos ng delivery, kailangan na muling tahiin ang punit, natural man o sadyang napunit. Dito na kadalasan dinadagdag ng mga doktor ang “extra stitch” para sa mas masikip na vagina, na tanging ang pagpapasarap sa lalaki kapag nagtatalik — ang nasa isip.


Mistulang “taboo” lang dati, pero ngayon ay marami na ang lumalabas para ikuwento ang karanasan nila sa pagpapahaba ng tahi para maisara ng kaunti ang puwerta para maging mas “masikip” ito. Tinatawag ito na “extra stitch” para sa “extra pleasure” kapag nakikipagtalik. Tinatawag din itong “daddy stitch” o “husband stitch” bilang ang mister daw ang mas makararamdam ng pleasure dahil dito. Ngunit may pagkakataong imbes na sarap ang maramdaman ng babae, dobleng sakit ang kanilang nararanasan.


May mga doktor na masyadong nahihigpitan ang pagkakatahi kaya nagiging masakit ang pagtatalik dahil dito. May ibang doktor din na naglalagay ng sinasabing “husband stitch” kahit hindi ito hiniling ng babae.


Anuman ang dahilan ng pagkapunit, hindi posibleng mapasikip ang vagina kapag tinahi ito. Ang vaginal tone ay hindi naaapektuhan ng anumang tahi dahil ang pelvic floor strength ang bumubuka o sumisikip, hindi ang bukana o sukat ng mismong puwerta.


Ang pagtahi ay nakapagpapasikip ng perineum at outer vulva, pero hindi nakaaapekto sa sensation na nararamdaman ng katalik. Ang vaginal repair ay para maibalik at matahi ang balat sa puwerta para makatulong sa paggaling at paghilom ng katawan pagkapanganak, hindi para pasikipin ang ari.

0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page