ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 30, 2020
Nag-iingay ang mga fans ni Judy Ann Santos dahil hindi nasama ang kanilang idolo bilang nominado sa Best Actress category ng Urian 2020.
Halos mga indie films ang pumasok sa mapanuring mata ng Urian.
Tanging ang mainstream movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye ang nakapasok sa 43rd Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre.
Ang KathDen movie ang pinakamalakas na kumita sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Pagsama-samahin man daw ang kinita ng lahat ng iba pang nominado sa 43rd Gawad Urian, wala pa 'yun sa one-fifth ng kinita ng KathDen movie.
Ligwak naman sa Urian ang pelikula ni Juday na Mindanao. At maging ang director nitong si Brillante Mendoza ay 'di rin nakapasa sa mga nominado.
Mukhang dedma lang naman ang award-winning actress kung hindi siya feel ng Urian. Besides, very thankful siya dahil she won Best Actress sa Cairo International Film Festival for Mindanao.
May nang-iintriga namang baka raw nahaluan ng pulitika ang pagpili ng mga nominees. Kaya raw inisnab ng mga Manunuri ang Mindanao ni Direk Brillante ay dahil alam nilang maka-Duterte ito.
Hmmm, may ganu'n? Pati ba naman sa award-giving bodies, may halo pa ring pulitika?
Comments