ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 11, 2025
Photo: Kathryn Bernardo - FB
Matindi naman ang pagkontra ng parehong KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) at KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) fan groups sa lumabas na balitang diumano’y BF na ni Kathryn Bernardo ang isang pulitiko na mahilig makipagrelasyon sa mga kilalang celebrities from showbiz and sports.
Ibinalita kasi ni kaibigang Ogie Diaz sa kanyang vlog na meron siyang reliable source na nagsabing si Lucena Mayor Mark Alcala diumano ang nagmamay-ari ng puso ni Kathryn ngayon. Although sinabi rin ni Mama Ogz na wala pa namang kumpirmasyon o resibong nagpapatunay dito, pero ‘yun na nga, tila pinasabog na bomba ang balita dahil sa naging reaksiyon ng mga fans.
‘Yun nga lang, dahil dati pa raw palang nagwo-workshop kay Mama Ogz ang Lucena mayor na noon ay may plano palang mag-artista, nababahiran ng ‘something’ ang isyu.
“And they are friends, that’s why parang may kung ano?” dagdag pa ng kausap namin.
And the worse, tila raw nagagamit sa pamumulitika si Kathryn.
Pero kung sakali ngang totoo, may magagawa pa ba ang mga nag-iingay na mga supporters?
Mixed ang reactions ng mga netizens tungkol sa composition ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab housemates. May mga excited pero meron din namang nagtatanong ng “the who” sa ilang mga nakapasok na housemates.
By mere definition daw kasi ng “celebrity,” dapat daw ay may recall naman kahit paano ang mga names nila.
Well, kani-kanyang pag-patronize ‘yan dahil kahit kami ay nagtatanong din sa identities ng ilan sa kanila. Hahaha!
Basta for us, parang gusto naming mag-agree sa observation ng iba na mukhang hindi na bagay sa naturang edition sina Klarisse de Guzman, Michael Sager, at Ashley Ortega dahil masasabing ‘angat’ na ang pagka-celebrity nila kumpara sa iba.
Sa totoo lang, tila mas maraming mga kilalang celebrities from Sparkle Artists ng GMA-7 kaysa sa mga nanggaling sa Star Magic. But then again, hindi natin alam ang ultimate goal ni Kuya kung bakit sila ang mga pinili nilang housemates sa collab nila with Kapuso Network.
LAST Saturday afternoon ay nagsilbing program host ang inyong lingkod sa book launch ng The Lost Saints (TLS) sa Fully Booked, BGC, Taguig City. Authored by our dear friend from way back Ms. Rossana Hwang, ito nga ‘yung libro na may movie version din na may titulong Isang Komedya Sa Langit (IKSL).
Historical fiction ang libro na naglalayong makatulong sa pagpapanumbalik ng reading habit ng mga tao, partikular na ‘yung mahihilig sa history at edukasyon.
“This is part of my advocacy on literacy and education. Ginawa ko lang comedy dahil there’s so much drama and conflicts na sa ating buhay. Parang masarap namang magbasa ng libro na matatawa tayo at matutuwa,” sey ni Rossana.
At dahil libro nga ito, mas marami itong mga detalye na hindi mapapanood sa movie version for the simple reason na magkaiba sila ng medium.
“But all the ingredients of a good story, humor and comic situations are there in both the book and the movie,” saad pa ng book author and movie producer.
Sa movie version ay nagbibida sina Jaime Fabregas, Gene Padilla, Carmi Martin, at EA de Guzman, plus several theater actors.
Naka-out na ang TLS sa market, so grab your copies. Ang movie naman ay ngayong May pa ipapalabas sa mga sinehan.
Comments