ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 21, 2025
Photo: Kathryn Bernardo - IG
Inamin ni Kathryn Bernardo sa ginanap na mediacon ng PGT Season 7 na sa edad niyang magtu-29 na sa March 26, nagpaplano na rin pala siyang mag-solo at magkaroon ng sarili niyang bahay.
Natanong kasi si Kathryn tungkol sa women empowerment kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong March.
Dito nga nabanggit ni Kathryn na “I'm at the point in my life again wherein I feel so lost.”
Parte raw siguro ito ng paggo-grow niya at pagma-mature kung saan dumaraan siya sa quarter life crisis.
“To be honest, I'm so scared, I'm so lost but I think it's so brave na everyday, I show up just like what Donny said kanina, I show up and I choose to grow and accept all the uncertainties because I don't know, bigla ko lang siyang na-feel na of course after Hello, Love, Again and now I'm doing PGT. Pero, may feeling lang ako na parang iba. And I think siguro, birthday blues na ‘to. May quarter life crisis na parang what's next for me?
“Parang feeling all these emotions, so feeling ko, it's just brave na tinanggap ko ‘yun. I'm allowing myself to be vulnerable.”
Dagdag pa niya, “So now, I think part of me growing is me getting my own place as well. And I think it's like my transition stage. I'd like to call this my transition stage na feeling ko kasi in the next coming years, it's very, very important kasi ‘yun ‘yung magdi-dictate kung saan ako sa future.
“It's not na parang okay I'm in my early 20s, ito pa ang dami ko pang time para matuto. Pero ngayon, parang iba pala ‘pag magtu-29. So I'm feeling that. So feeling ko, getting my own place, it's a big adjustment for me, my family, especially my mom. But it's my way of getting to know myself more and growing.”
May takot man daw kung kakayanin niya ang pagiging independent at mag-isa sa bahay, open na siya ngayon sa lahat ng possibilities para sa kanyang growth.
“So wish me luck in the coming months. I'm just accepting and I just wanna feel everything,” sabi pa ni Kathryn na in fairness, habang nagma-mature, lalong pa-blooming nang pa-blooming at super-sexy, ha?
May dapat talagang manghinayang! Hahaha!
EXCITING ang Season 7 ng nagbabalik na Pilipinas Got Talent hindi lang dahil may mga bago na namang Pinoy talents na madi-discover dito kundi marami rin ang nag-aabang at curious sa tatlong bagong judges na makakasama ng original judge na si Mr. Freddie M. Garcia (FMG).
Sa PGT Press Edition pa nga lang (kung saan isa kami sa apat na naging contestants na nag-perform) na ginanap last Wednesday sa Dolphy Theater, ang saya-saya na at talagang tinutukan ang mga comments at sasabihin ng mga bagong judges na sina Eugene Domingo, Donny Pangilinan at Box Office Queen Kathryn Bernardo.
May kani-kanyang karakter ang mga bagong hurado ng PGT, pero puring-puri sila ni FMG na bilib na bilib sa pagiging dedicated at passionate ng tatlo sa kanilang bagong task.
Pag-amin ni Uge (palayaw ni Eugene), bilang hurado, ang hinahanap niya sa isang kalahok bukod sa exceptional talent nito ay ‘yung masarap panoorin at mag-e-enjoy siya.
Sabi naman ni Kathryn, “uniqueness” ang hanap niya na kahit 5 yrs. na raw ang lumipas ay hindi pa rin niya makakalimutan ang performance at maa-amaze pa rin siya kapag pinanood niya uli.
Ang heartthrob na si Donny, eto naman ang hanap sa mga kalahok, “Kung gaano ba kalala ‘yung fire nila.”
Pinakamahirap i-please si FMG dahil sa seven years nga ng PGT, nakita na raw niya ang lahat ng klase ng talent. Kaya ang hanap niya this time, ‘yung may “wow factor” talaga at ‘yung mapi-feel niya na “eto na ‘yun!”
Hindi naman nagpahuli sa galing ng mga judges ang mga hosts na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros na may kani-kanya ring ambag para mas maging exciting ang PGT Season 7, lalo na si Melai na talagang comedy ang hatid kahit kelan.
Nandiyan din para magdagdag ng saya bilang mga online hosts naman sina Lorraine Galvez and Wize Estabillo.
This March 29 & 30 na ang pagbabalik ng Pilipinas Got Talent at mapapanood every Saturdays at 8 p.m. and Sundays at 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z and TV5.