top of page
Search
  • BULGAR

KATHRYN, BINATI SI JULIA DAHIL P30 M NA ANG MOVIE NILA NI ALDEN

ni Nitz Miralles @Bida | October 27, 2023




Mababasa sa Instagram post ni Julia Montes na nagpasalamat na may P30 million gross na ang Five Breakups and A Romance ang comment ni Kathryn Bernardo na nakasulat ang “That’s my girl.”


Natuwa ang mga fans dahil nagsusuportahan daw ang mga reyna.


Ini-repost ni Julia ang “30 Million! Buhay na Buhay Ang Sinehan! Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nanood.”


Post naman ni Alden, “30M pong pasasalamat. Now on our 2nd week.”

May mga tao lang na hindi masaya sa success ng movie dahil ikinumpara ang gross nito sa A Very Good Girl nina Kathryn at Dolly de Leon. May nagalit pa kay Alden dahil bakit daw kailangan pang sabihin kung magkano ang kinita, bakit daw ang iba, tahimik lang ‘pag kumita ang pelikula?


Hindi na nakasagot ang hater ni Alden nang ipaliwanag sa kanya na part ito ng promo para makaengganyo pa ng moviegoers. Sa halip na magkumpara, hindi na lang maging masaya na balik na ang tao sa panonood sa sinehan at sana, magtuluy-tuloy na hindi lang hanggang sa MMFF sa December.


Ito rin ang rason kung bakit kahit showing na ang movie, tuloy pa rin sa pagpo-promote sina Julia, Alden at Direk Irene Villamor. The same reason kung bakit walang kapaguran si Alden sa pag-attend sa mga block screenings na umabot na sa 48 at baka lumampas pa sa 50.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page