top of page
Search
  • BULGAR

KATHRYN AT DOMINIC, SABAY NAG-GYM, PATI SA BEAUTY CLINIC

ni Nitz Miralles @Bida  | June 18, 2024


Bea Alozo - Dominic Roque

May shippers din pala sina Kathryn Bernardo at Dominic Roque dahil nadadalas ang kanilang pagkikita. 


Dahil siguro parehong single, naisip ng mga fans na i-ship sila. Pero katuwaan lang naman ito at alam nilang magkabarkada ang dalawa at matagal nang magkaibigan.


Saka, “Bro” ang tawag ni Kathryn kay Dominic at kahit nu’ng may karelasyon pa ang aktres, close na sila ng ex-BF ni Bea Alonzo. 


Nakitaan ng chemistry ang dalawa at bagay daw. May nagbiro pa nga na puwedeng maging sila. 


May mga kumontra lang na fans nina Kathryn at Alden Richards at maging ang Kathryn-Jericho Rosales supporters. Hindi pa raw nakakapaglayag nang husto ang KathDen (Kathryn at Alden), may bago na namang isini-ship sa aktres.


Hintayin daw kapag nagkasama na sina Kathryn at Alden sa shooting ng Hello, Love Again sa Canada at siguradong lalayag nang husto ang KathDen. 


Hindi pa magkasama sa shooting sina Kathryn at Alden dahil mga eksena muna ng huli sa Hong Kong ang kinukunan, saka isusunod ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang mga eksena sa Canada.


Anyway, kabilang si Dominic sa mga nakasama ni Kathryn sa birthday niya. Spotted uli sila nang sabay mag-workout sa gym at nitong huli ay sa Aivee beauty clinic. 


Dahil magkaibigan, marami pang beses na makikitang magkasama sina Kathryn at Dominic, kaya happy ang mga shippers nila.


 

Anak, kahit 'di pa pinakakasalan…

JERIC, TANGGAP NA TANGGAP NA SI ALJUR PARA KAY AJ 


File photo
Photo: Jeric Raval, Aljur Abrenica at AJ Raval.jpg

Binati ni AJ Raval ng “Happy Father’s Day” si Aljur Abrenica. Sa Instagram (IG) Stories lang ni AJ ang greetings niya kay Aljur dahil alam nito na kapag nabasa ng nakararami, maba-bash na naman siya o sila ni Aljur.


So, magka-live-in na sina AJ at Aljur dahil sila ang magkasama nu’ng Father’s Day. 


May photo post din si AJ na kasama naman ni Aljur ang dad niyang si Jeric Raval at kapatid yata niya at binati rin niya ang dad niya ng "Happy Father’s Day".


Ibig sabihin nito, tanggap na tanggap na ni Jeric si Aljur na partner ng anak niyang si AJ.


Sana nga, maikasal na ang dalawa para mas solid ang saya ni Jeric na sa mga interviews, sinasabing gusto niyang pakasalan ni Aljur si AJ.


 

SIGNATURE song ng singer/music producer/cosplayer/radio disc jockey/recording artist na si Debbie Lopez ang song ng M2M na Pretty Boy


Kinanta niya ang song sa launching ng single niyang Ang Higugmaon Ka at kinanta rin ang song nang mag-guest siya sa Radyo Agila ng NET25 to promote the said single.


Special kay Debbie ang nasabing song dahil audition piece niya ito sa worldwide app na Sessions Live Music Stream at dito rin siya nagsimulang makilala. Saka, bagay sa timbre ng kanyang boses ang song at dahil special ito, hindi nakakagulat kung isama niya sa kanyang repertoire sa gagawing concert.


In-announce ni Debbie sa launching ng kanyang single na magkakaroon siya ng concert sa December after the promo of her single. Magkakaroon pa nga siya ng launching sa Cebu na kanyang hometown at may iba pang schedule ng promo.


Double special ang launching ng single ni Debbie dahil birthday niya noong June 15 at may pa-birthday cake sa kanya ang management niya. 


“Success in life” ang birthday wish ni Debbie, kasama na rin ang success ng kanyang single na hindi lang Cebuano ang makaka-relate.


Single si Debbie, na-trauma yata nang maging biktima ng ghosting ng boyfriend na online lang nakilala at sa video call lang nakita ang mukha. Huli na nang malaman niyang may ibang girlfriend ang boyfriend niyang isang seaman.


Wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si JM de Guzman dahil girlfriend na nito si Donnalyn Bartolome. Kaya, focused na lang si Debbie sa sinisimulang recording career.

                                                                          

 

                                        

ANG ganda ng Father’s Day greetings ni Sunshine Cruz kay Cesar Montano. 


Sabi nito, “Happy Father’s Day to the father of my children. Thank you for making up and making time to be with these girls. May God bless you! Cheers.”


May kasamang photo ni Cesar at mga anak nila at partner ni Cesar ngayon ang post ni Sunshine. Ikinatuwa ng mga netizens na maayos ang relasyon nina Cesar at partner nito kay Sunshine at sa mga anak ng dating mag-asawa.


Sa nakaraang birthday ng partner ni Cesar na si Kath, binati rin siya ni Sunshine at keri nila na magkasama sa mga special occasions at magpa-picture together.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page