ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 25, 2024
Happy and proud kami sa anak ng aming Kumareng Tates Gana na si Harvey Bautista na finally, nabigyan na ng big break at bida role sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Zoomers na nagsimula na nu'ng Lunes, January 22.
Nu'ng una naming na-meet si Harvey, mga 6 or 8 yrs. old lang yata ito at medyo mahiyain pa kahit member na siya ng Goin' Bulilit.
Pero nang mapanood namin siya sa Blue Room movie na kinilala rin sa ilang international award-giving bodies, nagulat kami na confident na si Harvey at lumutang na ang kanyang 'dugong Bautista', na 'di naman kataka-takang namana niya sa amang si dating QC Mayor Herbert Bautista at sa mga tita at tito na sina Harlene at Hero Bautista.
At nang mapanood naman namin siya sa audition video niya para sa Zoomers, aba, hindi lang basta magaling umarte si Harvey, plus factor pa ang pagiging super-pogi nito na pang-matinee idol na nga ang datingan.
For sure, kung marami na ang nagkaka-crush noon kay Harvey, mas mapapansin ito at mas kikiligin sa kanya ang mga fans kapag napanood na ang mga eksena nila ng ka-love team niya sa Zoomers series na si Criza Taa, dating PBB housemate.
Ngayong buwag na ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi malayong sila na talaga ang i-build-up na pumalit sa KathNiel.
Napabilib nina Harvey at Criza ang tatlong 'malulupet' at kilalang direktor na sina ABS-CBN Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi, blockbuster film director Theodore Boborol, at He’s Into Her director, Chad Vidanes kaya mula sa 18 Star Magic artists, sina Harvey at Criza ang napiling gumanap bilang sina Jiggs at Hope sa Zoomers.
Makakasama nina Harvey at Criza ang tatlo pang nakitaan din ng tatlong director ng talento at potensiyal na sina dating YeY star Luke Alford, ang commercial model na si Ralph de Leon, at ang dancer na si Krystl Ball para kumpletuhin ang mga main characters ng serye.
Iikot ang kuwento ng Zoomers sa barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke), Atom (Ralph), at Tania (Krystl) na nabuo noong kasagsagan ng pandemya. Sa kanilang pagsabak sa buhay matapos ang pandemya, samahan ang kanilang barkada sa kanilang pagtuklas sa kanilang mga sarili at kung paano masusubukan ang kanilang pagkakaibigan sa pagdaraanan nilang mga pagsubok.
Mula sa direksiyon ni Direk Chad Vidanes, mapapanood ang Zoomers after Can’t Buy Me Love, 10:15 PM on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5.
Viewers all over the world can also stream its full episodes on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel.
Kahit super close pa, dahil nega…
CLAUDINE: MARAMI AKONG TATANGGALIN SA BUHAY KO NGAYONG 2024
Sino kaya ang tinutukoy o pinariringgan ni Claudine Barretto sa kanyang latest Instagram post kahapon na mga taong 'nega at toxic'?
Ganito ang laman ng IG post ni Claudine (published as is), "Someday you can say ENOUGH IS ENOUGH from TOXIC AND NEGATIVE PEOPLE.this year i am going to ELIMINATE a lot of people,even if its someone close to you,but is heavy & NEGATIVE,LET THEM GO.
"We don’t need People who DONT RESPECT YOU & YOUR BOUNDARIES.trust is to earned,but when these people are not to trust anymore.walk away,LET GO, no matter how hard it is remember YOU WILL NOT DIE WITHOUT THEM! Too much pain,Betrayal dis honest? LET GO. I’m going to protect myself & my Peace.have a grand day ahead."
Da who ang bumastos at tumraydor kay Claudine na close sa kanya to the point na na-trigger na naman siyang ilabas pa ito sa social media?
Ayan, binigyan pa tuloy ng problema ni Claudine ang mga Marites sa pag-iisip kung kapamilya, kaibigan o katrabaho niya ba ang kanyang mga tinutukoy.
Comments