ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 10, 2022
Bakit nga ba natagalan bago gumawa ulit ng teleserye sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?
Apat na taon kasi ang nakalipas bago sila muling mapapanood sa telebisyon.
Sa Zoom mediacon ng bago nilang programang 2 Good 2 Be True ay natanong ang KathNiel tungkol dito at inaming namili talaga sila lalo’t panahon pa ng pandemya kaya gusto nila ay pulido ang script.
“After The House Arrest 1st season, tumaas ang cases, nahinto ang taping. Nilatagan kami ng script para sa teleserye, siyempre, kinilatis, binasa namin. Umabot ng tatlo, apat o limang scripts. Noong ipinresent ang isang Ronaldo Valdez (kasama sa serye), doon na kami nagkatinginan ni Kath. This is the project, it sounds good,” kuwento ni Daniel.
Dagdag pa, “Pangalawa, ‘yung tono ng seryeng gusto naming gawin… kasi galing na kami sa isang fantaserye-action, ‘yung La Luna, naghahanap kami ng… ano ba iyong… kilala namin ang isa’t isa, eh. Sampung taon na rin ang dumaan, ano ba ang gustong mapanood ng tao sa amin, ‘di ba? Saan ba kami minamahal ng tao, it’s been four years. Kung babalik man kami, ano ba ang dapat naming gawin and this is it.”
Say naman ni Kathryn, “Naging mahaba siyang proseso kasi out of other projects na ipinresent nila, ‘yung mga genre na sinabi, okay, maganda, pero feeling namin na hindi iyon ang kailangan naming gawin especially during this time,” wika naman ni Kathryn.
“So, noong ipinresent ito, sinabi nila na available si Direk Mae (Cruz-Alviar) and ito ‘yung team na magma-manage, parang na-feel namin we felt right na ito na. I think na-delay (teleserye) pero for the better.”
Dagdag ding sabi ng aktres, “‘Yung for the sake na may maiere ka, gagawa ka. Eh, sobrang hirap ng locked-in rules sa mga bubbles, especially last year, extra challenge dahil mataas ang COVID cases. Limited ang time and resources mo sa locations and all, so we waited lang for the perfect time. So, noong medyo lumuwag na last quarter ng last year, nag-start na ng look test, nagpadala na ng script and all. At na-feel lang namin na the timing is just perfect.
“So, I think at the end of the day, nangyari ang lahat ng ito in God’s perfect time kasi kung pinilit namin siyang gawin two years ago na kahit na, hindi bara-bara, pero hindi namin maibibigay nang 100 percent.
"With all my heart and lahat ng 'andito sa stage, sobrang proud lang kami sa project na ito kasi bawat characters dito, ang laki ng mga matututunan ng mga tao. So, iyon, abangan nila itong 2 Good 2 Be True. This is it! It’s a beautiful project.”
Naitanong din kung kailan naman sila gagawa ng pelikula.
“I-enjoy muna natin itong 2 Good 2 Be True. Let’s just take it easy, ito muna,” nakangiting sabi ng aktor.
Samantala, officially 10 years na ang KathNiel kaya natanong kung ano ang sikreto ng pagsasama nila.
“There’s no exact formula talaga na, ‘Okay, if you do this, magiging 10 years din kayo ng love team n'yo, ito ‘yung secret,’ but I think, if there’s something na since day one, up until now, 10 years after, it’s respect and teamwork. Iyon ‘yung ginagawa namin ni DJ over the years,” pagmamalaki ni Kath.
Say ni Daniel, “It’s the same. It’s love and respect and ‘yung support sa isa’t isa. ‘Yung suporta namin sa isa’t isa, sa kahit anong eksena, iyon ‘yung pinakaimportante.”
Anyway, mapapanood ang 2 Good 2 Be True sa Netflix sa Mayo 13, sa May 14 naman sa mga iWantTFC at sa May 16 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, at TV5.
Ka-join din sina Ronaldo Valdez, Matt Evans, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Smokey Manaloto, Yves Flores, Pamu Pamorada, Cris Villanueva, Alyssa Muhlach-Alvarez, Bianca de Vera, Via Antonio, Romnick Sarmenta at Gloria Diaz.
Sina Mae Cruz-Alviar at Paco Sta. Maria ang direktor mula sa panulat ni Denisse O ‘Hara. Si Mel del Rosario ang creative consultant, produced ng RGE Unit at Star Cinema Entertainment at si Moira dela Torre ang umawit ng theme song na may titulong Kumpas.
Commenti