top of page
Search
  • BULGAR

Kate Valdez at Japanese vlogger na si Fumiya, magkasama sa Japan

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 25, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Kate Valdez / IG

Ibinahagi ng aktres na si Kate Valdez sa Instagram na ipinagdiwang niya ang kanyang birthday sa Hong Kong Disneyland kasama ang Japanese vlogger at artist na si Fumiya Sankai.


Inuusisa tuloy ngayon ng madlang pipol kung ano ang real score kina Kate at Fumiya.


"Thank you for making my birthday so magical and for making the kid in me feel so happy," caption pa ni Valdez sa carousel post.


Hindi rin nakalimutan ng aktres na i-tag si Fumiya sa kanyang post, na siya ring nagbahagi sa sariling IG ng mga larawan kasama si Kate.


“Bagay na bagay kayo,” komento ng isang netizen.


Wala pa namang pahayag ang dalawa sa kasalukuyan kung totoo ba ang umuugong na tsismis na magdyowa sila.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page