ni Twincle Esquierdo - | July 14, 2020
Ayon sa post ng Ventura California County Sheriff's office sa kanilang twitter account, natagpuan ang katawan ng sinabing ‘Glee’ aktres na si Naya Rivera sa Southern California lake nitong Lunes.
Sinabi ng mga awtoridad nitong Lunes na natagpuan ng divers ang katawan ng aktres matapos nilang matagpuan ang anak nitong si Josey Hollis Dorsey apat na taong gulang na mag-isa sa bangkang nirentahan nila sa Lake Piru hilagang bahagi ng Los Angeles.
Batay sa imbestigasyon ay nirentahan nila ang bangka bandang ala-1 ng hapon, Miyerkules at matapos ang tatlong oras bumalik ang bangka ngunit, nag-iisa lamang ang anak nito at dito napag-alaman na nawawala ang aktres. Ayon sa anak nito ay nag-swimming sila ng kaniyang ina ngunit hindi na ito nakabalik sa bangka. Ang Lake Piru ay isang libingan na halos 50 milya ang layo sa Los Angeles.
Ayon pa sa sherif’s officer, base sa autopsy na isinagawa, pagkalunod ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Si Rivera ay isang American singer at aktres, nagsimula ang kanyang career nu’ng bata pa ito, nagsimula sa mga commercial bago mapasama sa pelikulang CBS comedy The Royal Family noong 1991, nanalo rin siya ng Young Artist Award, Kasama rin siya sa pelikulang The Fresh Prince of Bel-Air at Baywatch.
Ang kanyang breakthrough ay noong 2009 gumanap siya bilang Santana Lopez sa Fox’s hit musical drama Glee na 100 episode at nanalo ng dalawang award na American Latino Media Arts Awards at People’s Choice Award.
Ang “Glee” ay isang television musical drama tungkol sa high school choir, na sumikat 10 taon na ang nakararaan.
Komentar