top of page
Search
BULGAR

Katawan ng 5 batang nalunod sa Taal Lake, narekober na – PCG

ni Lolet Abania | May 4, 2022



Natagpuan na lahat ang mga katawan ng limang bata na pinaniniwalaang nalunod matapos na maligo ang mga ito sa Taal Lake, sa Balete, Batangas, kahapon.


Sa isang radio interview kay Captain Vic Acosta, commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batangas, sinabi nitong bandang alas-7:45 ngayong umaga ng Miyerkules, narekober ang bangkay ng dalawang bata, habang bandang alas-10:00 ng umaga naman nakita ang isa pang bata. Nasa edad 7 hanggang 12.


“Sa kasamaang-palad wala tayong na-revive,” ani Acosta. “Lahat po ay lifeless na po.”


Ayon pa kay Acosta, tinatayang nasa edad 6 hanggang 8, ang tatlong bata na narekober ngayong araw.


Una nang natagpuan nitong Martes, ang mga katawan ng dalawang batang biktima na sina Sherin Ashtrid Dela Rosa, 8, at Jamie Rose Ann Jacutan, 12.


“Allegedly base sa statement, ‘yung isa biglang nalunod, tapos ‘yung isa tinulungan sagipin hanggang sa lima silang nadisgrasya,” ani Acosta.


0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page