top of page
Search
BULGAR

Katarungan sa pamamaslang kay Percy Lapid

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 6, 2022


Noong Lunes ng gabi, pinaslang ang beteranong mamamahayag na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid, malapit sa kanyang tirahan sa Las Piñas City.


Kilala si Ginoong Lapid dahil sa programa niyang “Lapid Fire,” kung saan buong-tapang niyang tinatalakay ang mga katiwalian at kontrobersya sa pamahalaan.


Kinukondena natin ang pagpaslang kay Percy Lapid.


Nakikiramay din tayo sa kanyang pamilya at kasama sa nanawagan ng katarungan.


☻☻☻


Isa tayong demokrasya na ginagarantiya ang malayang pagpapahayag.


Nababahala tayo dahil ang pagpaslang sa ating mga journalist ay maaaring magkaroon ng “chilling effect” sa pagpapahayag ng taliwas na opinyong, lalo pa sa panahon ngayon na lumalala ang pangre-redtag at pananakot sa mga taong may ibang pananaw sa mayorya.


Kung ang mga mamamahayag ay naparurusahan, paano na ang ordinaryong mamamayan?


☻☻☻


Nananawagan tayo sa ating mga awtoridad na sa lalong madaling panahon ay matukoy kung sino ang responsable sa pagpaslang kay Percy Lapid at sa iba pa niyang kapwa-mamamahayag na biktima ng dahas.


Umaasa tayong hindi mauuwi sa wala ang imbestigasyon ng pulisya sa mga kaso ng pagpaslang hindi lang ng mga mamamahayag, kundi pati ng mga aktibista atbp.


Kung tatandaan, nitong 2021 nanatili ang Pilipinas na “7th worst country” pagdating sa pagresolba sa pagpaslang ng mamamahayag, ayon sa Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists.


Kailangang masiguro ang kaligtasan hindi lamang ng iilan, kundi ng lahat ng Pilipino.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page