top of page
Search
BULGAR

Katarayan, 'di umubra… MARICEL, UMAMING TAMEME 'PAG GALIT NA SI MOTHER LILY

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 7, 2024


Showbiz News
Photo: Lily Monteverde & Maricel Soriano / FB

Inamin ni Maricel Soriano na in-denial pa siya sa pagkawala ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde.


Isa si Maria sa mga nakiramay sa unang gabi ng lamay ng Regal matriarch last Monday at sa panayam ng ABS-CBN ay sinabi niyang hindi pa raw nagsi-sink in sa kanya ang pagpanaw ng producer na matagal niyang nakatrabaho.


“Up to now, I’m in denial. Hindi nagsi-sink-in sa akin. Kasi ayoko, eh,” sey ng Diamond Star sa panayam ng ABS-CBN.


Si Maricel ang isa sa unang batch ng Regal Babies ni Mother Lily along with Snooky Serna and Dina Bonnevie in 1980. Nakagawa siya ng mahigit sa 100 films sa Regal Films kabilang na ang Underage, Inday Bote, Babaeng Hampaslupa at marami pang iba.


Ayon kay Maria, hindi lang basta producer si Mother Lily sa buhay niya kundi itinuring daw niya itong kanyang second mom sa showbiz.


“She’s really like a mother. When she’s mad, she gets mad at me talaga. Pagagalitan talaga ako. Walang mga label-label du'n. Pagagalitan ka talaga ng nanay mo,” pag-alala ng OG Regal baby.


Pero 'pag nasiyahan naman daw ito sa kanyang ginawa at nag-hit ang pelikula ay kakantahan pa raw siya nito ng Maria Went to Town.


Kilalang-kilala na nga ni Maricel si Mother Lily na alam din niya ang dapat gawin kapag mainit ang ulo nito.


“'Pag mainit ang ulo, wa' ka talk. Silence is the best. Huwag ka na magsasalita kasi hindi mo siya puwedeng sabayan, magagalit. Eh, tama naman, kasi nagsasalita nga naman siya,” aniya.


Kahit nga kilalang mataray din si Maria, never daw siyang nagtaray kay Mother Lily.

“Kasi, ang tawag du'n, respeto, hindi ba? Ang tingin ko kay Mother, nanay ko talaga,” she said.


Through the years ay hindi raw siya nawala sa Regal at lagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan siya ng Regal matriarch. May panahong nagla-lie-low lang siya pero once na pinabalik siya ni Mother Lily ay bumabalik daw siya.


“Hindi ako nawawala sa Regal, kahit ano'ng mangyari. ‘Pag kailangan ako ni Mother o ni Roselle (Monteverde, anak ni Mother Lily), nandiyan ako,” saad ng award-winning actress.


Nang huli raw silang magkita ng Regal matriarch ay malakas pa ito kaya hindi raw siya makapaniwala na wala na ito ngayon,


“Sobra ang ginawa ni Mother for us. I’m very grateful and thankful dahil si Mother Lily ang napili ni Lord na makasama namin sa matagal na panahon at makatrabaho,” saad ni Maria.


 

Ginanap nitong Linggo, August 4, sa Ayala Malls Manila Bay ang gala night at talk back session ng Cinemalaya full-length film entry na Balota na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.


Nagsama-sama rito ang cast at crew ng nasabing pelikula na produced by GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

                                     

Marami ang talagang nag-abang na mapanood si Marian at kung paano niya binigyang-buhay ang karakter bilang Teacher Emmy. Ilang Balota screenings na nga ang sold-out matapos ang opening ng Cinemalaya.


Ang Balota ay isa sa mga offerings ng GMA Network sa Cinemalaya para sa taong ito. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Kip Oebanda.


Sa gala night ay ibinahagi ni Direk Kip na malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil hinayaan siyang maipahayag ang pelikula gamit ang boses niya.


Aniya, “Kahit na mainstream studio sila, hindi nila pinakialaman ‘yung script, 'di nila pinakialaman ‘yung cut, inirespeto nila ‘yung voice ng direktor, kahit na may kagat at risk ang materyal na ito.”


Kasama sa mga cast na dumalo sina Wil Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, at Sue Prado.


Present naman ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Boobay, Gabby Eigenmann, Kokoy de Santos, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes upang magbigay ng suporta sa pelikula.


Sa talk back session ay ibinahagi naman ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng Balota.


“Ang pelikulang Balota ay wake-up call para sa atin. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito, malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako.’ Sana, ma-realize ng mga tao ‘yun.”


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page