ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 14, 2023
Dear Chief Acosta,
Ibinigay ko na sa aking apo ang aking bahay sa isang subdivision sa aming probinsya.
Isinalin niya na nga ito sa kanyang pangalan at kanya na ring tinitirhan. Subalit, hanggang ngayon ay pinadadalhan pa rin ako ng mga opisyal ng homeowner’s association ng mga imbitasyon para sa kanilang mga pagpupulong. Sinasabi nila sa akin na kahit na na-donate ko na sa aking apo ang aking bahay ay kabilang pa rin ako sa nasabing asosasyon. Tama ba sila? - Aiko
Dear Aiko,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Sections 6 (a) at 12, Rule III, The 2021 Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9904 o mas kilala sa tawag na “The Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations” kung saan nakasaad na:
“Section 6. Termination of Homeownership. Homeownership ends by:
a.Terminating ownership of the property through conveyance by sale, assignment or donation; or
b.By any other legal transfer of ownership which shall authorize the association to deny homeowner rights to the transferor under this Section.
c.In CMP, LTAP, and other similar programs, by the substitution of a beneficiary, and/or expulsion from membership, after due notice and hearing.
Section 12. Termination of Membership. Membership in the association is terminated once the member ceases to be a homeowner. Termination of membership shall extinguish all rights of a member under Republic Act No. 9904 and under this Rules.”
Samakatuwid, malinaw sa batas na ang homeownership ay natatapos sa oras na ang may-ari ng bahay ay ipinagbili, ina-assign o ibinigay ang kanyang ari-arian (property) sa ibang tao. Ibig sabihin, ang membership sa isang homeowner’s association ay natatapos sa oras na ang isang miyembro ay hindi na isang homeowner.
Kaya naman, ang iyong homeownership sa iyong bahay ay natapos na nang ibigay mo ang nasabing bahay sa iyong apo at kanyang pinanindigan na ang pag-aari nito. Dahil hindi ka na isang homeowner, natapos na rin ang iyong pagiging miyembro sa inyong homeowner’s association.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Dear attorney Acosta.
Ang aking ama ay pata npo ng 15years..at ang aking ina naman ay kakamatay lamang po noong july 17.2023..apat po kaming magkakapatid ako po panganay sa aming apat may asawa napo ako at may limang anak..ang sumunod po sakin ay lalaki may asawa at my walong anak..at babae po ang sumunod sa pangalawang kapatid ko at may kinakasamang tomboy at may adopted son na isa po at ang pang apat na kapatid kopo ay Gay po sya .nakatira po ako sa nabiling bahay ng kapatid kong pangatlo sa longos asosyon po ang may hawak sa bahay ng aking kapatid na aking tinitirhan sa pag aakalang ito po ay ibibigay saakin ang akingkapatid itoy ipinaayos ng aking anak..ngayon…