top of page
Search
BULGAR

Katangian ng guy na magiging first and last BF

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 18, 2024



Dear Maestro,


May crush ako, isinilang siya noong August 16, 2001 habang December 20, 2000 naman ang aking birthday. 


Maestro, gusto kong malaman kung compatible ba kami at may pag-asa bang maging kami? Ang balita ko kasi ay may iba siyang nililigawan at hindi ko matiyak kung crush niya rin ba ako, pero sa tuwing nagkikita kami, nagtatanguan at nagbabatian naman kami.


Sa palagay n’yo, crush din kaya ako ng lalaking ito? May pag-asa rin bang siya na ang una kong magiging boyfriend?

 

Umaasa,

Audrey ng Landing, Limay, Bataan

 

Dear Audrey, 


Ang birthday mong December 20, 2000 ay nasa pagitan ng zodiac sign na Sagittarius at Capricorn dahil ilang araw na lang, lilipat na rin sa sign na Capricorn ang zodiac sign mong Sagittarius. Ibig sabihin, may double personality ka dahil may pagka-Sagittarius at Capricorn ang iyong birth date na December 20, habang ang crush mo naman ay walang alinlangan na isang Leo. 


Kung mahilig kang magsuot ng kulay pula, asul o marami kang damit na ganyan ang kulay, higit na umiiral sa iyong kapalaran ang pagiging Sagittarius na nangangahulugan na ka-compatible mo ang isang Leo. 


Ang Leo at Sagittarius ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong fire o apoy. 


Ngunit, kung mas madami kang itim na damit, mas umiiral sa iyo ang pagiging Capricorn, kaya malabong maging crush ka rin ng lalaking Leo na crush mo.


Gayunman, kung purong Numerology ang pagbabatayan, ang birth date mong 20 o 2 (ang 2- ay 2+0=2) ay sadyang tugma sa birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ng crush mo. Sapagkat sa pang-istatistikang pagtataya, maraming isinilang sa petsang 7, 16 at 25, na nakatuluyan silang mga isinilang sa petsang 2, 11, 20 at 29. Ibig sabihin, kung Numerology ang pag-uusapan, tulad ng naipaliwanag na, tugma at compatible kayong dalawa. 


Para matiyak kung siya na ang una mong magiging boyfriend, kailangang pumasa muna siya sa qualification, kung saan ang unang magiging karelasyon mo ay may kayumangging kulay ng balat, medyo malaki ang pangangatawan at higit sa lahat, tahimik at may pagka-mahiyain kung umasta.


Kung ganyan ang porma ng lalaking binabanggit mo, ayon sa iyong Love Calendar, sa taon ding ito ng 2024, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre at sa edad mong 23 pataas, kahit may iba siyang nililigawan, tiyak na siya na ang una at kahuli-hulihang magiging boyfriend mo. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page