ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 17, 2024
SABLAY ANG ANUNSIYO NG NEDA NA KASYA ANG P64 PAGKAIN SA ISANG ARAW NG BAWAT MAMAMAYANG PINOY -- Sablay ang anunsiyo ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi raw maituturing na mahirap ang isang Pinoy na nagagawang gumasta ng P64 isang araw para sa pagkain, o P21 sa kada kain sa tatlong beses sa isang araw.
Sa totoo lang, iyang P64 na pagkain sa isang araw ng bawat Pinoy ay hindi na kakasya dahil ubod na ng mahal ang presyo ng mga pagkain sa panahon ng Marcos administration, period!
XXX
SA SONA NEXT YEAR NI PBBM DAPAT HINDI NA P10K, KUNDI P64 NA LANG ANG BUDGET SA FOODS AND DRINKS PER PERSON -- Kung ipilit ng NEDA na kasya ang P64 halaga ng pagkain sa isang araw ng bawat isang Pinoy, dapat ang gawin ng pamahalaan sa next State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay maging P64 ang budget sa pagkain ng bawat pulitiko, gov’t. officials at guests na dadalo sa 2025 SONA ng presidente.
Sa nakalipas kasing SONA ni PBBM ay P20M ang inilaan ng gobyerno na pagkain para sa 2,000 mga pulitiko, gov’t. officials at guests, na sa kuwentada ang P20M kapag dinivide sa 2K katao, ay lumalabas na P10K ang halaga ng kinain ng bawat isang nasa loob ng Kongreso.
Sana nga ganyan ang gawin sa SONA ni PBBM next year, na ang ibadyet sa pagkain ng bawat taong naroroon sa Congress ay P64 at hindi na P10K, boom!
XXX
KAPAG NAPATUNAYANG GUILTY, MABUBULOK SI HARRY ROQUE SA KULUNGAN -- Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston Casio na may mga sapat na raw silang ebidensya para sampahan si former presidential spokesman Harry Roque ng kasong “qualified trafficking in person” kaugnay sa pagkakasangkot nito sa mga ilegal na gawain sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga.
Naku, mabigat na kaso ‘yan at kapag napatunayang guilty ay tiyak mabubulok sa kulungan ang dating spokesman ni ex-P-Duterte, abangan!
XXX
PARAMI NANG PARAMI MGA BALIMBING NA PULITIKO -- Habang papalapit ang filing ng candidacy sa October 2024 ng mga kakandidato sa 2025 election ay sangkaterbang PDP members sa local level ang kumakalas sa kapartido ni ex-P-Duterte at lumilipat sa administration party ng magpinsang PBBM at House Speaker Martin Romualdez.
Ibig sabihin n’yan, habang papalapit ang eleksyon, parami nang parami ang mga balimbing na pulitiko, boom!
Comments