ni Chit Luna @Brand Zone | May 18, 2023
Binatikos ng mga dalubhasa ang kasunduan sa pagkontrol ng paninigarilyo dahil sa patuloy na pagbalewala nito sa teknolohiya sa harap ng pag-usad ng mga hindi gaanong mapanganib na alternatibo tulad ng vapes at heated tobacco products.
Sinabi ni Dr. Konstantinos Farsalinos, isang cardiologist at pangunahing mananaliksik sa tobacco harm reduction (THR) na ang kasalukuyang Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) ng WHO ay patuloy na tumatanggi sa mabuting dulot ng THR sa kabila ng patuloy na paglaki ng bilang ng mga naninigarilyo sa mundo na umabot na sa 1.3 bilyon.
Sa THR Summit Spain na ginanap kamakailan sa Universidad Rey Juan Carlos sa Madrid, inakusahan ni Dr. Farsalinos ang WHO-FCTC na pumipigil sa mga tao na huminto sa paninigarilyo sa tulong ng mga alternatibong produkto.
"We are literally preventing people from quitting smoking through the use of alternative products by demonizing these alternative products just because they contain nicotine," aniya.
Ang pinakahuling pagsusuri ng UK Department of Health and Social Care ay nagpapatunay na ang vaping ay may lubhang maliit na bahagi ng panganib ng paninigarilyo.
Sinabi ni Dr. Farsalinos na ang isang matagumpay na pagpapatupad ng tobacco harm reduction ay makapagliligtas ng milyun-milyong naninigarilyo.
Nauna rito, inilarawan ng dalawang kilalang awtoridad sa kalusugan ang FCTC bilang isang halimbawa ng isang pandaigdigang kasunduan na hindi na akma sa layunin ng makabagong panahon dahil sa patuloy nitong pagbalewala sa pananaw ng mga tao at pagtanggi nitong kilalanin ang mga pinakabagong siyentipikong pag-aaral.
Si Dr. Michael De Luca, isang Disaster and Operational Medicine Fellow sa The George Washington University at si Dr. Mario L. Ramirez, isang Emergency Medicine Physician sa Inova Fairfax Hospital ay nagbabala na ang iminungkahing pandemic treaty ng WHO ay tiyak na mabibigo kung ito ay isusunod sa FCTC.
Ang mga smoke-free alternatives tulad ng e-cigarette, heated tobacco products at snus, ayon sa napakaraming siyentipikong pag-aaral, ay hindi gaanong nakakapinsala kumpara sa tradisyonal na sigarilyo, ayon kay Dr. Farsalinos.
Aniya, hindi mo kailangang maging isang siyentipiko upang maunawaan ang malaking pagkakaiba sa panganib sa pagitan ng paninigarilyo ng tabako at paggamit ng vapes at iba pang elektronikong sigarilyo.
Ang paninigarilyo ay gumagamit ng apoy upang sunugin ang tabako sa temperatura na umaabot sa 800 degrees Celsius. Samantala, ang vapes at heated tobacco products ay gumagamit ng kuryente mula sa baterya para magpainit ng coil at mag-evaporate ng likido sa temperaturang mas mababa pa sa 300 degrees Celsius.
Sinabi ni Dr. Farsalinos sa kahit hindi eksperto ay mauunawaan na ang mga ito ay lubhang magkakaibang mga produkto. Dagdag niya, ang antas ng pagkakaiba sa panganib ay napakalaki din, at ito ay paulit-ulit na napatunayan ng maraming pag-aaral sa nakalipas na 10 taon.
Si Dr. Farsalinos ay kilala bilang may-akda ng may pinakamaraming publikasyon tungkol sa e-cigarette sa buong mundo. Iniharap niya ang pinakabagong siyentipikong ebidensya sa mga produktong may mas mababang dulot na pinsala.
Kabilang si Dr. Farsalinos sa mga panelist sa THR Summit Spain na tumalakay sa epekto ng mga harm reduction strategies sa larangan ng paninigarilyo. Nagsilbi itong forum upang mag-ambag sa pagbuo ng mga bagong panukala para sa pagharap sa problema ng paninigarilyo.
Sinabi niya na sa kasamaang-palad, ang pandaigdigang kampanya laban sa paninigarilyo ay nakatuon sa politika, etika at moralismo, na may napakakaunting focus sa agham at kalusugan ng publiko.
“So, a public health issue about smoking-related disease has turned into a moral issue of whether it's ethical and appropriate to use or not use a substance,” aniya.
Sabi ni Dr. Farsalinos, madaming mga opisyal at mga siyentipiko ay may maling pananaw sa harm reduction. “No one realizes that this is causing harm. It's not a matter of not advancing public health. It's a step backwards. They are actively causing harm to many people despite having the best of motives because I believe that legislators, liberal scientists have the best of motives. But the level of bias coming from this predisposition, this prejudice, this dogmatism against nicotine is unprecedented,” sabi niya.
Samantala, sinabi ni Clive Bates, dating direktor ng Action on Smoking and Health UK at dating tagapayo ni British Prime Minister Tony Blair, na ang WHO ay dapat managot ng mga tao dahil sa maling pananaw nito.
“But what they're doing with smoking is that it's almost as if the World Health Organization was advising people not to use vaccines for Covid, because they think there's some risks. It is in almost in the same mental space as anti-vaccine,” dagdag ni Bates.
Sinabi ng mga tagapagtaguyod ng harm reduction na dapat suportahan ng mga bansa ang isang debate sa kung paano isulong ang paglaban sa paninigarilyo.
Sinabi ni Dr. Farsalinos na ang mga naninigarilyo ay dapat ding malaman ang buong katotohanan tungkol sa mga alternatibong produkto.
“We have to communicate this to the smoker and let them decide, provide them with all the tools available to quit smoking starting from psychological support and medications, but finishing with nicotine-containing alternative products,” aniya.
Comments