ni Angela Fernando - Trainee @News | January 9, 2023
Nagpahayag ang Department of Justice (DOJ) nitong Martes na kanilang inirekomendang sampahan ng kaso ng terorismo ang 11 sinasabing miyembro ng New People's Army (NPA).
Kinilala ang umano'y miyembro ng NPA na sina Jovito Marquez, Antonio Baculo, Sonny Rogelio, Veginia Terrobias, Lena Gumpad, Job Abednego David, Jessie Almoguera, Reina Grace, Bethro Erardo Zapra Jr., Daisylyn Castillo Malucon, at Yvaan Corpuz Zuniga.
Ayon sa DOJ, nasangkot sa isang ambush laban sa mga pwersa ng bansa ang 11 na indibidwal nu'ng Mayo 2023 sa Brgy. Malisbong sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Dagdag ng ahensya, gumamit ang mga nasabing NPA ng mga high-powered firearms at improvised explosive devices.
Sinabi ng ahensya na itinuturing ng mga taga-prosecute ang pagsalakay bilang terorismo.
Comments