ni Jasmin Joy Evangelista | October 27, 2021
Nagbabala ang National Bureau of Investigation sa publiko ukol sa dumadaming kaso ng delivery scam sa bansa.
Ayon kay NBI cybercrime division chief Victor Lorenzo, karamihan sa mga nabibiktima ng scam na ito ay mga delivery rider.
"Talagang nuisance lang, pang-iinis lang. Gusto lang makaperwisyo kasi hindi namin nakikita na kinancel," aniya sa isang panayam.
"Kapag for financial gain 'yung modus, organized 'yun. 'Yun ang tinututukan namin. Pero 'yung iba, 'yung nuisance scammers lang, 'yung pang-iinis lang, medyo hindi nasusundan 'yun kasi ayaw i-substantiate ng mga sumusulat sa amin 'yung complaints nila," dagdag niya.
May babala naman si Lorenzo sa mga taong sangkot sa fake bookings o fake orders dahil aniya, may kaukulang parusa sa identity theft na aabot mula 6 hanggang 12 taong pagkakakulong.
Comments