ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 8, 2021
Isang bagong kaso ng South Africa COVID-19 variant ang naitala sa Barangay Baclaran, Parañaque City.
Ayon kay Bgy. Chairman Julius Anthony Zaide sa Facebook Live nito, “Katatapos lang pong mag-usap ng barangay, kapulisan, kasama po ang representative ng city government patungkol sa tumataas na bilang (ng kaso ng COVID-19) dito sa Barangay Baclaran.”
Ayon din kay Zaide, maghihigpit na sila at huhulihin ang mga lalabag sa health protocols.
Aniya, “Now, we’re now at 46 (COVID-19 cases). Sa pag-uusap po kasama ang aming konseho, mga kagawad, ito pong gagawing hakbang na ito, maghihigpit po ang Barangay Baclaran.
“No exemption na po. Sa lahat po ng bata na 15 pababa, pasensiya na po, huhulihin po namin ang dapat hulihin. Sa lahat po ng walang face mask, pasensiyahan na po.”
Saad pa ni Zaide, “Dito po ‘yung nagpositibo sa African variant kaya ngayon, inaalam na po ng city government at ng barangay kung sinu-sino po ‘yung mga nakasalamuha niya.”
Σχόλια