top of page
Search
BULGAR

Kaso ng mpox, kailangang tutukan

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 25, 2024


Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Nong nakaraang linggo naitala ang unang kaso ng mpox virus ngayong taon sa bansa.


Ayon sa DOH, umabot na sa 10 ang kabuuang kaso ng mpox sa ‘Pinas, kasama ang mga nakalipas na taon -- na ang pinakahuli ay noong December 2023.


Matatandaang idineklara ng World Health Organization ang pagkalat ng mpox bilang Public Health Emergency of International Concern.


Siniguro naman ng DOH na lahat ng mga dating kaso sa bansa ay na-isolate, natutukan, at gumaling na.


☻☻☻


Ang mpox ay sakit na dulot ng monkey pox virus, na isang viral zoonotic infection, o sakit na maaaring maipasa sa tao mula sa hayop.


Una itong naitala sa mga unggoy noong 1958 at nagkaroon ng unang pagpasa ng virus sa tao noong 1970.


Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos, hinihimok natin ang lahat na mag-ingat sa sakit na ito.


Naghain din ang inyong lingkod ng resolusyon sa Senado para pag-usapan at pag-aralan ang mga dapat gawin ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat nito.


Sa resolusyong ito, nais nating malaman kung ano ang mga hakbang na gagawin ng DOH para mapanatiling ligtas ang ating mga kababayan.


Nais din nating malaman kung sapat ang kanilang action at response plans para matulungan silang mapunan ang mga kakulangan kung meron man.


Mahalaga na hindi na natin pahintulutan na dumami ang kaso ng sakit na ito para masiguro ang kaligtasan ng lahat.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page