ni Madel Moratillo @News | July 17, 2023
Bumaba pa sa 5.6% ang nationwide COVID-19 positivity rate ng bansa.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, mas mababa ito ng bahagya kumpara sa dating 5.8% na positivity rate noong Hulyo 14.
Sa datos aniya ng Department of Health, may 283 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Hulyo 15.
Dahil dito, pumalo na sa 4,169,644 ang kabuuang kaso ng COVID-19 cases sa bansa. Sa naturang bilang, 5,879 ang aktibong kaso.
May 2 namang bagong nasawi dahil sa virus kaya pumalo na sa 66,510 ang kabuuang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 431 namang bagong naitalang gumaling mula sa sakit, kaya umabot na ngayon sa 4,097,255 ang kabuuang gumaling sa Pilipinas.
Comments