ni Madel Moratillo | May 13, 2023
Posibleng mayroon na umanong local transmission ng XBB.1.16 o Arcturus variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health na ito ay dahil sa wala ng makitang
link ng kaso sa international cases.
Wala rin umanong nakitang history ng exposure sa mga bagong kaso nito.
Sa pinakahuling genome sequencing may 3 pang bagong XBB.1.16 ang natukoy.
Dahil d'yan umabot na sa 4 ang kabuuang kaso nito sa bansa.
Sa biosurveillance report ng DOH, kabilang ang mga ito sa 207 bagong subvariant ng Omicron at iba pang lineages na natukoy sa ginawang sequencing mula Abril 26
hanggang Mayo 6.
Sa 159 na natukoy na XBB kabilang ang 72 na XBB.1.9.1 cases, 35 na XBB.1.5 cases, 13 na XBB.1.9.2 cases, at 4 na XBB.1.16 cases o Arcturus.
May 27 rin na BA.2.3.20, 1 BA.5, 13 na iba pang Omicron sublineages at 1 hindi pa tukoy na lineage
Comments