top of page
Search
  • BULGAR

Kasamang umuwi ng 'Pinas… KATABING LALAKI SA EROPLANO, BF NA DOKTOR DAW NI KRIS

ni Julie Bonifacio @Winner | September 13, 2024



Showbiz News

The queen is back! 


As of this writing, kasalukuyang lumilipad ang eroplanong sinasakyan ng Queen of All Media na si Kris Aquino mula Los Angeles, California, USA pabalik ng Pilipinas.


May ilang pictures ang naka-post sa X (dating Twitter) kung saan makikita si Kris sa loob ng eroplano na may katabing lalaki at isang grupo naman ng mga kasama ng TV host-actress sa flight pabalik sa Manila na kuha ng mga Pinoy na nakasabay nila sa Tom Bradley International Airport (TBIA).


Naku, wala talagang makakalusot sa mga Pinoy, ‘di sila pahuhuli lalo na ngayong panahon ng social media. Nagkalat ang mga Marites at gusto na laging una sa tsika, ‘noh?


Posibleng ang medical team ni Kris, kasama ang anak niyang si Bimby, ang mga nakunan ng kababayan natin sa airport. At malaking palaisipan naman sa mga netizens kung da who ang lalaking katabi ni Kris sa eroplano. Siya na kaya ang misteryosong doktor na boyfriend ni Kris?


Inamin kasi ni Kris during her last interview na may bago na siyang boyfriend after ng on-and-off relationship nila ni Batangas Vice-Governor Mark Leviste. 


Pahayag ni Kris sa vlog ni Ogie Diaz, “He’s a doctor, and I think that’s part of the reason why it was easy. Kasi alam n’ya kung ano’ng pinagdadaanan ko.


“He’s part of the reason why I’m confident na puwede akong umuwi kasi alam ko there’s someone who will help in taking care of me.”


At sinabi rin ni Kris na may possibility na umuwi siya ng Pilipinas sa last quarter ng taon, September nga.


“Hopefully, sa last quarter ng taon bago mag-Pasko, I’ll be back in the Philippines. It just really depends kasi may pinagdadaanan akong mga tests,” sey pa ni Kris.


Anyway, posibleng kahapon ng umaga o hapon ay lumapag na sa airport ang eroplanong sinasakyan ni Kris Aquino with Bimby and her medical team. 


 

MALABO pang bumalik sa pulitika ang tinaguriang Jukebox Queen at ngayon ay bagong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director na si Imelda Papin sa susunod na halalan.


Well, very satisfied si Imelda sa position niya bilang isa sa mga directors of PCSO. 

“Pero ‘di pa natin alam kung ano ang gusto ng Panginoon sa buhay ko, sa career ko. So, kung anuman po ang italaga ng Panginoon at kung ano ang gusto ng Presidente, you know, I’ll just follow,” pahayag ni Imelda.


Bagama’t marami raw ang nagre-request sa kanya to run for a national position, aniya, “I’ve tried it before in 2010. And medyo gusto nila na bumalik ulit ako to run for the Senate. Let’s see. I’m already here. I’m helping and my doors are open to all of you. Kasi I always say this without God, without all of you, there’s no Imelda Papin. So, I am here to serve the country and the Filipino people.” 


Naka-tatlong buwan na raw siya sa PCSO at sa kanyang 100 days sa office ay kailangan niyang mag-report kay Presidente Bongbong Marcos (PBBM).


Masaya ring ibinalita ni Imelda ang tagumpay ng kanyang “May Isang Linggong Serbisyo” project.


“Maganda ang response pero wala pa talaga s’yang… ‘di pa s’ya nai-launch formally,” sambit ni Imelda.


Iniimbitahan naman ni Imelda Papin ang publiko sa gagawing malaking selebrasyon ng 90th anniversary ng PCSO on October 30.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page