top of page
Search

Kasamang senatoriable sa HK, kumanta… DU30, ALAM NANG AARESTUHIN PAGBALIK NG ‘PINAS, UMUWI PA RIN

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 28, 2025



Photo: Rody Duterte - FB


And speaking of our senatoriables, naka-chikahan namin sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores ang isa sa mga tumatakbong senador na under sa PDP Laban, si Atty. Raul Lambino.


Dating Cabinet member sa Duterte administration si Atty. Lambino, naging Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority, and Presidential Adviser for Northern Luzon.


Kuntento naman daw siya sa buhay niya noon, pero dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nangumbinse sa kanyang tumakbo at sumama sa partido nito, napapayag siya dahil sa layuning makapagbigay-kontribusyon sa reporma sa ating konstitusyon, kaya nga pabor siya sa Cha-Cha o Charter Change.


Duterte supporter din si Atty. Lambino at in fact, kasama pala siya sa team ni Tatay Digong na nagpunta sa Hong Kong dahil isa nga siya sa mga pambato ng PDP Laban kasama sina Sen. Bato dela Rosa, Phillip Salvador, Sen. Bong Go, Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang senador.


Kaya naman naitanong namin kay Atty. Lambino kung alam ba ni FPRRD nu’ng nasa Hong Kong pa sila na aarestuhin siya pagbalik niya ng ‘Pinas.


Ayon kay Atty. Raul, alam daw ‘yun ng dating pangulo dahil pinayuhan na rin nila ito na may mga lumabas na ngang balita na aarestuhin ito ng ICC, pero hindi raw natakot si ex-P-Duterte at ang sagot lang, “Eh, di arestuhin nila ako. Haharapin ko ‘yan.”


Pero nilinaw ni Atty. Raul na fake news na may nag-ahas kay Tatay Digong mula sa kanyang Team Duterte. Haka-haka lang daw ‘yun at walang matibay na pruweba.


Inamin din niyang dahil sa nangyaring pag-aresto kay FPRRD, hindi man sila maikampanya nito ngayon, mas nakatulong naman para dumami ang supporters nila dahil nagalit nga ang marami sa naging ilegal na pag-aresto sa dating pangulo kaya naka-gain sila ng sympathy mula sa mga tao.


Kung si Atty. Raul daw ang tatanungin, wish niyang makabalik ng ‘Pinas si Tatay Digong para rito litisin kung may nagawa man itong pagkakamali at kasalanan.


Samantala, nahingi namin ang reaksiyon niya sa napabalitang Sara Duterte-Robin Padilla team-up para sa 2028 elections matapos ngang i-announce ito ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa The Hague, Netherlands.


Ani Atty. Lambino, napakaaga pa para pag-usapan at bigyang-pansin ‘yan. Unahin daw muna ang magaganap na eleksiyon sa Mayo at dapat pag-isipang mabuti ng mga botante ang kanilang iboboto para makamit na natin ang tunay na pagbabago.


 

Maleta ni Liza, nawalan ng Apple watch at laptop

ICE, NANAWAGAN SA MGA OPISYAL NG NAIA



MAS epektib nga yata talagang idaan na lang sa social media ang mga reklamo sa mga sangay ng gobyerno natin para mas madaling mapansin at mabigyan ng aksiyon.


Tulad na lang ng ginawa ng singer, director at producer ng Fire & Ice Productions na si Ice Seguerra na idinaan sa kanyang Facebook post ang panawagan sa NAIA para sa mga nawalang gamit sa maleta ng misis niyang si Liza Diño-Seguerra.


Post ni Ice sa FB nu’ng Miyerkules, “Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap ‘yung security n’yo diyan? Para ma-check ‘yung mga lost items.”


Mababasa sa comment section ang naging tugon ng Philippine Airlines, “Dear Mr. Seguerra. We understand how important your belongings are, and we appreciate you bringing this to our attention. Rest assured, we take such matters seriously, and our team is here to assist in looking into this. We’ve reached out to you via Instagram to gather more details and support you in the investigation. We’ll do our best to help!”


Nag-reply naman si Liza sa sagot ng Phil. Airlines at du’n nga nalaman ng mga netizens kung ano ang nawala sa kanya.   


Reply-comment ng dating FDCP chairperson, “Philippine Airlines What’s our next step? Your staff reached out and asking if we filed a report. We discovered the lost items when we got home. It’s an Apple watch and laptop.”


Sa kasunod na reply ni ex-Chair Liza, aniya ay pasalubong pa naman niya ito sa mister.

Kuwento-sagot pa niya sa isang “Liza Acosta”, “Wala akong dalang carry on suitcase and may weight limit na rin ang personal bags. Hanggang 2kgs lang. Chinecheck na nila sa gate. Sealed suitcase ‘yun and box. Na-slash ‘yung maleta, parang knife ginamit.”

Awww! ‘Katakot, ‘di ba? 


Oh, ayan, sa mga tumatakbong senador sa 2025 midterm elections, puwede kayang maisama n’yo na sa mga plataporma n’yo ang matagal nang problemang ‘yan sa seguridad ng mga bagahe ng mga pasaherong umaalis at dumarating sa ‘Pinas?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page