top of page
Search
BULGAR

Kasama sila ng padir na si Sen. Lito… MARK, NAGSALITA NA SA KASAL DAW NINA COCO AT JULIA SA SPAIN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 14, 2024



Photo: Coco Martin at Julia Montes sa Spain - FB


Itinuro ni Sen. Lito Lapid ang anak na si Mark Lapid, Chief Operating Officer (COO) ng TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority), para ito ang sumagot sa isyung ikinasal na raw sina Coco Martin at Julia Montes sa Spain.


Kung matatandaan, last June, 2024 ay magkakasamang nagpunta sa Spain sina Coco at Julia at ang mag-amang Lito at Mark Lapid at kumalat nga ang mga pictures nilang kuha sa ilang simbahan doon.


Kaya naman, umugong ang mga bali-balitang ikinasal na sa Spain ang “most secretive” couple na sina Coco at Julia, at duda ng mga netizens ay baka nag-ninong si Sen. Lito na parang ama-amahan na rin kung ituring ni Coco dahil sa closeness nila sa Batang Quiapo.


Paglilinaw ni Mark, “Hindi ho totoo. Nagpunta lang kami sa activity du’n sa simbahan because of the Filipino community. ‘Yun lang, pasyal lang, kain.”

So, hindi pa pala kinukuha nina Coco at Julia si Sen. Lito bilang ninong?


“Maganda na nga sana kay Coco dahil may-edad na rin ‘yan, eh, na lumagay na sa tahimik. Hindi naman natin maikakaila na napakayaman na ni Coco. Sa lahat ng artista, siya ang pinakamayaman. Sa amin lahat, dahil kasi siya, napakasuwerte. Mas mahal siya ng Panginoon,” natatawang pambubuking ni Sen. Lito kay Coco a.k.a. Tanggol ng Batang Quiapo.  


Sabi pa ni Sen. Lito, sa tingin niya ay gusto na ring lumagay sa tahimik ni Coco, pero dahil may career pa raw itong inaalagaan kaya ‘di pa niya maiwan.


Kuwento naman ni Mark, ang pinag-uusapan nila ni Coco ay hindi tungkol sa kasal ng actor kay Julia, kundi kung paano pa makakatulong sa mga walang trabaho sa industriya. Kaya sinasamantala raw ni Coco ang pagkakataon habang sikat pa siya at tinatanggap pa ng mga tao. 


At wish nga raw ng actor na ‘pag siya naman ang umabot sa point na wala na ring trabaho, may tumulong din sa kanya tulad ng ginagawa niyang pagtulong ngayon sa mga kasamahan sa showbiz.


So, ayun, kaya naman pala hindi pa rin magawang magpakasal nina Coco at Julia, kahit ang balita namin ay balak kasi nilang sa Spain na lang tumira kasama ang kanilang mga anak kapag iniwan na nila ang showbiz.


Baka pinaghahandaan pa rin talaga nina Coco at Julia ‘yung pagtira nila sa Spain at sinisiguradong magiging stable ang finances nila ru’n kapag wala na silang trabaho sa ‘Pinas.


Anyway, sa nakaraang Christmas party for the entertainment press ng mag-amang Lito at Mark, ipinapanood sa amin ang ilang action scenes sa BQ. Bibilib ka rin talaga kay Sen. Lito na sa kabila ng kanyang edad ngayon na 69 na, eh, nakikipagsabayan pa rin kay Coco Martin sa suntukan at barilan, ha?


No wonder, malakas pa rin ang dating sa chicks ni Sen. Lito, kahit itanong pa natin kay Ms. LT, hahaha!


 

DUMALAW kami kamakailan sa bahay ng aming Mareng Tates Gana at ang inabutan naming kasama niya roon ay ang bunsong si Harvey Bautista na sikat na ngayon at isa sa mga tinitiliang heartthrob ng Kapamilya Network.


Naka-pambahay lang si Harvey at abala sa pagluluto ng lunch nila dahil that time raw ay naka-bakasyon ang kanilang mga kasambahay.


Hindi spoiled si Harvey at marunong sa bahay, ha? Sabi nga ni Mareng Tates, bukod sa filmmaking, isa pang hobby ni Harvey ay pagluluto kaya muntik na rin itong mag-culinary.


Pero mas malakas ang kaway sa kanya ng showbiz, at dahil may talent din talaga sa pag-arte kung saan mas lumutang ang lalim at galing ni Harvey (as Wesley Mata) bilang actor sa High Street na pinagbidahan ni Andrea Brillantes, mas pinili nga nitong sundan ang yapak ng kanyang amang si Herbert Bautista bilang actor.


Proud mom siyempre ang aming kumare lalo’t paganda nang paganda ang career ngayon ni Harvey kung saan matapos ang last movie nito na Friendly Fire na about gaming, magbibida na finally si Harvey sa isang digital series titled Drug War.


Makakasama rito ni Harvey ang magagaling na aktor at aktres na sina Ian Veneracion, Romnick Sarmenta at Yayo Aguila.


Hindi pa namin alam kung may love interest dito si Harvey, pero ang sabi ng aming Mareng Tates, timely ang istorya at maraming makaka-relate lalo’t mainit na usapin sa Pilipinas ang isyu ng drug war.


So, sa mga Harvey fans d’yan, abang-abang tayo at baka sa first quarter ng 2025 ay ipalabas na rin ang Drug War.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page