ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 21, 2022
Parehong um-attend ng oath taking ni Inday Sara Zimmerman Duterte bilang bagong bise-presidente ng Pilipinas ang dalawang incoming representatives na sina Bacoor Representative Lani Mercado at Ilocos Norte Representative Sando Marcos.
Si Cong. Sandro ay anak ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr..
Binati ni Rep. Lani si Sandro, "Hello, Sandro," sabay sabing, "Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Naikuwento ni Bryan sa akin."
Si Bryan ay ang panganay na anak nina Lani at Senator Bong Revilla, Jr..
Nakangiti namang sumagot ang anak ni BBM, "Yes po."
Habang sila ay naglalakad, bumulong si Sandro kay Lani at sinabing, "But atin-atin lang 'yan, ha?"
Sagot naman ni Lani, "Yes, Sir."
Nahigingan ni Sen. Bong ang pasikretong bulungan nina Sandro at misis niyang si Lani.
Tinukso ni Bong si Sandro, "Ahhh.... May sikreto ka, ha!"
Ang sinasabing girlfriend ni Sandro ay ang sexy starlet na si Alexa Miro.
Sa mismong FB Live ni Sen. Bong ay mabubuking na may sikretong girlfriend si Sandro.
Hindi inaasahang maisapubliko ang dapat sana'y private conversation ng dalawa sa Facebook Live ng mister ni Lani.
Ayon naman sa kampo ni Alexa, magkasintahan na ang sexy starlet na bahagi ng Lunch Out Loud ng TV5 at si Sandro taong 2021 pa. Lihim nga lang daw ang kanilang relasyon.
May hindi kasi umano pabor sa relasyon ng couple, pero hindi na nabanggit kung sino.
Comentarios