ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 27, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, ayon kay Spokesperson Mark Timbal ngayong Biyernes.
Aniya, mild ang nararanasang mga sintomas ni Jalad at maayos naman umano ang lagay nito.
Saad pa ni Timbal, “Usec. Jalad po tested positive kahapon [Thursday] and is part of the 116 [staff ng Office of Civil Defense na nagpositibo].
“He has mild symptoms and is currently in isolation. He is fully vaccinated and [he] informed me that he's alright.”
Aniya, ito ang unang pagkakataon na marami sa OCD Central ang tinamaan ng COVID-19 kaya pansamantalang isasara ang gusali para makapagsagawa ng disinfection ngunit nilinaw din ni Timbal na tuloy pa rin ang serbisyo ng NDRRMC.
Nakatakda na rin umanong isailalim sa COVID-19 test ang mga may close contact sa mga empleyado ng OCD kabilang na ang pamilya ng mga ito.
Comments