ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 23, 2024
After Milan Fashion Week (MFW), se-segue rin si Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week (PWF) at ang magandang balita, hindi lang siya manonood, rarampa si Pia sa runway at siya ang first Filipina na rarampa sa L’Oreal’s Paris Fashion Week runway show na tinawag na “Le Défilé Walk Your Worth”.
Today (Monday) ang schedule ng pagrampa ni Pia sa fashion show na gaganapin sa Place de l’Opera in Paris, France.
Heto pa, makakasama ni Pia na rarampa sa runway ang iba pang brand ambassadors ng L’Oreal na sina Kendall Jenner at Cara Delevingne.
Ang Le Défilé Walk Your Worth ay annual celebration daw ng L’Oreal Paris tungkol sa empowerment and diversity, tampok ang sisterhood ng mga ambassadors walking the runway.
Sa kanyang Instagram (IG), wala pang nababanggit si Pia tungkol sa pagrampa niya sa PFW. Busy pa siya sa MFW, pero nasa Facebook (FB) page na ng L’Oreal Paris ang pagrampa ni Pia Wurtzbach, kaya sunud-sunod ang pagko-congratulate sa kanya ng kanyang mga followers.
NAKUHA na ni Michelle Dee ang check na napanalunan niya sa A Voice For Change mula sa Miss Universe Philippines (MUP). Kasama si Jonas Gaffud, naibigay na nila sa Autism Society of the Philippines ang cheque for P684,000.00. Maaalalang nabanggit ni Michelle na hindi pa naibibigay sa kanya ang prize niya, kaya naibigay nang mabilis.
Sey ni Michelle, “It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin ‘yan #wmmm.
“This award will be allotted to the presented VFC project that adheres to one of the @unitednations 17 Sustainable Development Goals for Economic Empowerment for individuals on the autism spectrum.
“In other words, this award will be mainly focused on AP’s #AutismWorks program that aims to provide full-time employment or opportunities to earn for our brothers and sisters who have autism. At the time of my VFC presentation we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially.”
Bongga!
Commenti