top of page
Search

Kasama nina Bianca at Robi… GABBI, BAGSAK SA PBB AUDITION NOON, HOST NA RIN NGAYON

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 10, 2025




                                                                       

Tama ang mga humula na si Gabbi Garcia ang Kapuso na magiging co-host nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE). This was announced yesterday at All-Out Sundays (AOS) at maganda ang introduction sa kanya ni Kuya ng PBB.


Sabi ni Kuya, “Hello, Philippines! Hello, World! And hello to our newest PBB host, ang Kapuso It Girl ni Kuya—Gabbi Garcia!”


Mixed ang reaction ng mga fans, may mga natuwa dahil may Kapuso na magho-host sa PBBCE. May nagsabi na deserving maging host ni Gabbi dahil okey siyang mag-host sa mga events na siya ang host.


May ilang Kapamilya fans naman na loyal sa PBB at loyal sa ABS-CBN at ayaw nilang may Kapuso na magiging host ng PBBCE. Pass na raw muna sila sa panonood sa PBB, bagay na hindi namin pinaniniwalaan. Siguradong tututok pa rin sila lalo na’t Kapamilya at Kapuso celebrities ang mga housemates.


Sa pagwe-welcome kay Gabbi sa AOS,  naikuwento nito na nag-audition siya sa PBB noong 2012, hindi lang siya nakapasa. 


Sa tanong kung papasok siya sa PBB, “Malalaman n’yo,” ang sagot nito. Sa ngayon, she’s happy to be part of history.


Ipinost ni Gabbi Garcia ang pag-o-audition niya sa PBB, bata pa siya at number 03951 siya. Imagine, nag-audition lang siya dati, hindi pumasa at ngayon, host na.


 

Sa UP Diliman lang dati tumatakbo si Barbie Forteza kasama ang ilang kaibigan, bilang kasama sa kanyang self-improvement at self-love process. Pero kahapon, sa Makati City na tumakbo ang aktres and this time, kasama niyang tumakbo ang mga kaibigang sina Kristofer Martin at Alden Richards.


In fairness, ang agang gumising ni Barbie na nakatira sa Quezon City para dayuhin ang Makati City na naging paboritong takbuhan ng marami dahil every Sunday ay carless day.


Sa video at photos na lumabas, makikitang masaya ang aktres na makasama ang mga matagal nang kaibigan sa kanyang pagtakbo at wish ng mga fans na magtuluy-tuloy ang sama-sama nilang pagtakbo.


Matatandaang nagkasama sina Barbie at Kristoffer sa Tween Hearts (TH) at nakasama nila si Alden sa movie adaptation nito. Mula noon hanggang ngayon, friends pa rin ang cast ng nasabing show.


Speaking of Barbie Forteza, masaya ang BarDa fans nila ni David Licauco dahil tila silang dalawa nga ang magtatambal sa pelikulang Moments of Love: On Borrowed Time. Excited na ang BarDa fans sa project na ito.  


 

Leading man ni Herlene…

TONY, INAMING GUSTO SI SANYA


SA presscon ng Binibining Marikit (BM), natanong si Tony Labrusca kung tatanggapin niya sakaling may kasunod na offer sa kanya ang GMA. 


Sagot nito, ayaw niya munang isipin kung may next offer siya dahil focused muna siya sa afternoon series nila ni Herlene Budol.


Ang series muna ang priority niya dahil ayaw mapahiya sa GMA at pasasalamat na rin sa network. 


Happy si Tony sa role niyang DJ at owner ng club dahil ngayon lang siya nagkaroon ng role na bagay sa edad niya.


“I’m very grateful to be playing Drew Jimenez dahil tama sa age ko. Ang role ko dati, tatay ako, lawyer, siraulo, dito, DJ ako. First time na bagets ang role ko. ‘Pag may ganitong role, hindi dapat palampasin. I don’t know kung kailan uli may darating na role na ganito sa ‘kin,” wika ni Tony.


Sa interview ni Boy Abunda kay Tony, natanong ito kung bukod kay Herlene, sino pa ang tatlong mga Kapuso actresses na gusto niyang makatrabaho? 

“Sanya Lopez,” ang sagot ni Tony. 

“She is at the top of my mind,” sagot pa nito.


Kung ganitong gusto ni Tony na makatrabaho si Sanya, ibig sabihin, willing pa rin siya to work sa GMA. Paano niya makakatrabaho ang aktres kung hindi sa Kapuso Network?


Nananatili namang Star Magic talent si Tony Labrusca at may co-manager siya, nagpaalam daw sa Star Magic nang dumating ang offer ng GMA for BM at pinayagan siyang gawin ang series.


Kaya simula ngayong araw hanggang magtapos ang BM, Kapuso muna siya at leading man siya ni Herlene. Masaya raw kasama si Herlene Budol na source of energy nila sa taping dahil laging masaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page