top of page
Search
BULGAR

Kasama ng mga kaibigan… APO NI ERAP NA SI ELLIE, NAMULOT NG BASURA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 11, 2022



Mas ninais ng anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na si Ellie na sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura sa Siargao kesa ang mamasyal o mag-surfing.


Sa bagong vlog ni Andi, ipinakita niya ang karaniwan nilang ginagawa kapag sila ay nasa isla.


Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Niyaya kasi ni Andi ang anak nila ni Jake na pumunta sa isang surf resort. Pero, mas pinili umano ni Ellie na sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang daw sa kanyang ina.


Na-amaze ang mga netizens kay Ellie dahil sa murang edad daw nito ay may malasakit na sa kapaligiran.


Natawa na lang si Andi at aniya, nasa edad na raw si Ellie na mas pipiliin nitong magpulot ng basura kasama ang mga kaibigan kesa mamasyal kasama siya.


Habang naglalakad ang magkakaibigan ay namumulot ng kalat. Marami ang natuwa hindi lamang kay Ellie kundi maging sa mga kabataang kasama niya dahil sa ipinapakita nilang pagmamalasakit sa kalikasan.


Narito ang ilan sa mga komento ng viewers ni Andi sa bago niyang uploaded video.


"Nakakatuwa si Ellie. Grabe, imagine, apo ng dating presidente pero nagpupulot ng basura. Tapos, 'yung iba d'yan, 'di man lang maitapon nang maayos 'yung mga basura nila. Grabe, nakakatuwa at nakaka-inspire kayong family."


"Wow, Ellie is so cute going with her friends para sa street clean-up nila. Ang galing-galing naman d'yan sa lugar n'yo... ang mga teen-agers ang naglilinis ng lugar n'yo! Kudos sa inyong lahat!"


Si Ellie ay panganay na anak ni Andi sa ex niyang si Jake Ejercito na anak ni former Pres. Erap Estrada kay Laarni Enriquez.


Samantala, conservative father pala si Jake kay Ellie. Pinuna niya ang maikling shorts na suot ng anak.


Agad namang hinila ni Ellie ang suot na shorts para magmukha itong mas mahaba.

O 'di ba, 'kaaliw, protective father sa kanyang beautiful daughter.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page