top of page
Search
BULGAR

Kasal na raw… COCO AT JULIA, PAREHO NG SUOT NA SINGSING, BUKING!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 11, 2022


Kasal na nga ba sina Coco Martin at Julia Montes?


Ito ang naririnig naming tsikahan ngayon sa mga umpukan ng media friends kapag may mga dinadaluhang showbiz events.


Nagsimula kasi ang tsikahang ito nang dumalaw si Coco sa burol ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces kung saan kapansin-pansin ang suot nitong gintong singsing sa left ring finger nito.


Sa tinagal-tagal naman kasi ng aktor sa showbiz ay ngayon lang siya nakitaang nagsuot ng singsing kaya talagang malaking isyu ito para sa mga ‘Marites’ na tulad namin.


Anyway, sa Showbiz Update YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Dyosa Pockoh, Ate Mrena at Tita Jegs ay isa ang Coco-Juls sa mga topic.


May nagpadala raw ng larawan na pareho ng singsing na suot sina Coco at Julia at ipinakita ang screenshot sa video kaya ang tanong ay "Kasal na nga ba sila?”


Hirit naman ni Tita Jegs, hindi pa nga raw siya nakaka-move on sa tsikang may anak na ang dalawa ay heto at kasal naman ang usapan.


Pagtatanggol ni Mama Loi, baka naghihintay ng perfect timing ang Coco-Juls kung kailan sila aamin o posibleng props lang 'yun para sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na nalalapit na ang pagtatapos.


“Hayaan natin sila kung gusto nilang humanap ng timing para mag-comment tungkol doon sa singsing. Kasi malay naman natin, props lang pala sa Ang Probinsyano 'yung singsing na ‘yun,” say ng co-host ni Ogie.


“Ang paniniwala ko d'yan, ibigay natin sa kanila ang kanilang privacy dahil sabi nga ni Coco noong araw, ‘yung nagaganap sa loob ng pamamahay niya ay kanya lang. Hindi na niya para i-share pa ito sa mga tao,” pananaw naman ng talent manager-vlogger.


Dagdag pa, “Kung may mga chikang ganyan, hayaan natin silang sumagot kung totoo man 'yan. At the end of the day, hindi naman tayo ang magdadala n'yan. Hindi rin naman tayo ang bumubuhay sa kanila. Sila naman 'yan. Nakiki-Marites lang tayo kaya ibigay natin 'yan kay Coco kung totoo man na siya ay may anak na o sila ni Julia ay may anak na. Kung totoo man na sila’y kasal na.”


Oo nga, ano nga ba ang totoo, Coco at Julia?


Sana ay iregalo ninyo na sa mga sumubaybay sa Ang Probinsyano sa mahigit na anim na taon ang inyong pag-amin o sana sa pagtatapos ng serye, may ‘pasabog’ kayo para sa lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page