top of page
Search
BULGAR

Kasal, kaya minadali na kahit simple lang… ANGEL, 36-ANYOS NA, ATAT NANG MAGKAANAK, KAMBAL ANG GUSTO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 09, 2021



Ginulat ng showbiz couple na sina Angel Locsin at Neil Arce ang lahat nang i-announce nila sa kanilang vlog sa YouTube noong Sabado na sila ay kasal na.


Isang civil wedding ang naganap sa opisina mismo ni Taguig Mayor Lino Cayetano at dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan tulad ni Dimples Romana.


Hindi nasunod ang unang plano ni Neil Arce na bigyan ng isang bonggang dream wedding si Angel dahil hindi ito nakaranas na mag-celebrate ng debut at dumalo ng prom night.


Dapat ay November, 2020 pa ginanap ang kanilang kasal pero dahil sa COVID-19 pandemic ay nagbago ang mga plano at hindi natuloy. Pero tiniyak nina Angel at Neil na hindi matatapos ang 2021 ay matutuloy ang kasal.


At ‘yun nga, isang civil wedding ang naganap kung saan casual clothes lang ang suot ng bride and groom. Hindi naka-wedding gown si Angel, kundi blazer and pants lang at nakasuot siya ng sneakers.


Ganunpaman, kitang-kita ang sobrang kaligayahan ni Angel dahil finally, siya ay isa nang ganap na Mrs. Arce.


Sa lipat-bahay vlog nila ni Neil ay ipinakita ang kanilang pag-eempake ng mga gamit para dalhin sa kanilang sariling love nest.


Nabanggit din ni Angel na gusto na niyang magkaroon ng mga kids at kung puwede nga raw ay kambal kaya ngayong 36 yrs. old na siya, talagang nagdesisyon na siyang magpakasal.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page