top of page
Search

Kasabay ng b-day ni Jinkee na solong nag-celebrate…

BULGAR

PAMBABABAE NI SEN. PACQUIAO, BINUHAY NA NAMAN NG MGA NETIZENS

Julie Bonifacio - @Winner | January 13, 2021




Binati ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account ang misis niyang si Jinkee Pacquiao na nagdiwang ng kanyang 42nd birthday kahapon, January 12.


Tweet ni Sen. Pacquiao, "I wish I could put into words how much you mean to me! Thank you for being an amazing wife and mother to our kids. Happy Birthday babe!"


Kasama sa mensahe ni Sen. Manny kay Jinkee ang mga larawan nilang dalawa at meron din with their children.


Comment ng isang male fan ni Sen. Manny, "Good legacy people won't forget it. That's what it called #LOVE ETERNITY even to our grave. (Hammer, peace symbol, red heart emojis)"


"Congratulations to your wife (bottle with popping cork, party popper, balloon, champion emojis)!!! Billions of blessings."


May netizen naman ang nag-post ng piktyur nina Sen. Pacquiao at Jinkee noong bago pa lang silang mag-asawa. At sa ibabaw ng piktyur nila ay may nakalagay na, "Sinner Pacquiao."


Ang nakakalokah, may mga pilit na binubuhay pa ang isyung pambababae noon ng boxing champ.


May nag-post din ng old photo ni Sen. Manny habang yakap ang US-based na ngayong si Krista Ranillo, at ang mukha ni Sen. Pacquiao ay tadtad ng markang red lips.


"Miss you too," caption sa old photo ni Sen. Manny with Krista.


Anyway, sa Instagram account ni Jinkee ay may mga ipinost din siyang larawan na may koneksiyon sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan.


'Yung isa, habang nasa swimming pool siya at nakalubog ang kanyang mga binti't paa. Fendi ang tatak ng swimwear na suot ni Jinkee pero pinatungan niya ng white shorts.

Mukhang sa isang exclusive resort nag-celebrate ng birthday si Jinkee. Solo-solo pictures lang ang kuha niya. Magwa-wonder ka tuloy kung kasama ba niyang nag-celebrate ang kanyang mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page