top of page
Search
  • BULGAR

Kasa-kasama raw napupuyat sa mga taping… SUE, NABUTAS ANG PUSO SA PAGKAMATAY NG LOLA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 23, 2024


Showbiz news
Photo: Sue Ramirez / IG

Nagluluksa ang aktres na si Sue Ramirez dahil pumanaw na ang kanyang lola na ang tawag niya ay "Mama".


Ipinost ni Sue sa Instagram (IG) Stories niya nitong Biyernes nang hatinggabi ang kuha niya sa urn ng kanyang lola na napapalibutan ng fresh flowers.

 

Aniya sa post, “Mahal na mahal na mahal kita, habang buhay.


“May bago akong angel na magbabantay at aalalay sa ‘kin. My grandmother passed away last Tuesday. Sana, maisingit n’yo siya sa mga panalangin ninyo.”


Ang lola ni Sue ang lagi niyang ikinukuwento kapag natatanong siya kung paano siya nagsimula sa showbiz at kung sino ang lagi niyang kasama noong nagsisimula siya.


At sa mahaba nitong trivia ay muling ikinuwento ng aktres ang pinagdaanan nila ng kanyang lola.


Pahayag ni Sue, “Ilang araw na akong nag-iisip kung anong sasabihin, wala talagang pumapasok sa isip ko. Kung lubusan n’yo akong kilala, alam n’yo na isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko ay ang lola ko. Si Mama (emoji heart).


“Hindi kailanman magiging sapat ang mga salita para ipaliwanag kung gaano ko s’ya kamahal at ang pagpapasalamat ko sa kanya.


“Si Mama ang nag-alaga sa ‘kin habang lumalaki ako, kasama ko palagi nu’ng nagsisimula pa lang ako. Halos araw-araw puyat sa mga taping at trabaho pero kahit kailan, hindi ko naringgan na pagod s’ya o kailanman nagsabi na hindi n’ya muna ako masasamahan kasi may gagawin s’ya. Kay Mama ko naramdaman ‘yung feeling na maging #1.


“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo sa ‘kin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mami-miss na asarin ka at kumandong sa 'yo. ‘Yung boses mo at ngiti mo.


“The purest form of love that I have ever known. Sobrang suwerte ko na naranasan kong mahalin at pahalagahan ng ganito. I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko, hinding-hindi ka mawawala.”


Maraming taga-showbiz ang nakiramay kay Sue at ang iba naman ay mula sa mga netizens.


Ang ilan sa mga nabasa namin ay ang sumusunod:


Mula sa singer/DJ at nakasama rin ni Sue noong nagsisimula sila, si Ms. Kayla Rivera, “Lola (emojis sad faces) I’m so sorry Sue… your Mama will forever have a special place in mine and my Mom’s heart. We have only the fondest memories with her during our early Star Magic Glee days such a pure, gentle and unconditional love she had for you. Love you always anak, and will be keeping you and your Mama in our prayers.”


Ang supervising producer ni Sue sa pelikulang ginagawa niya ngayon na si Omar Sortijas, “Mahigpit na yakap.”


Sey ni Star Patroller Gretchen Fullido, “My condolences @sueannadoodles.”


Ang vloggers na malapit kay Sue na sina Michael Byx Almacen at Kate Adajar, “Condolences, Sue. Hugs at condolences, Sue. Mahigpit na yakap.”


Ang aktor na si Rayver Cruz, “Condolence Sue (emojis praying hands).”


Galing kay Dominic Ochoa, “Sorry to hear about your beloved Mama. My condolences to you and your family @sueannadoodles.”


Say naman ni Denise Laurel, “Sue my love. Prayers and condolences, babe.”

Mahigpit na yakap at pakikiramay kay Sue Ramirez at sa pamilya nito.



0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page