by Angela Fernando @News | July 25, 2024
Inulan ng puna at bashing ang TV Patrol anchor na si Karen Davila matapos umano nitong i-discredit ang kilalang P-pop boy group na SB19 sa mga kontribusyon nila sa musikang Pinoy at international music.
Matatandaang nagkaroon ng ulat ang TV Patrol kamakailan patungkol sa P-pop girl group na BINI at napuri ang mga ito para sa kanilang mga gaganaping sunud-sunod na shows sa ibang bansa.
Todo-puri ang news anchor sa girl group at sinabi pa nitong magiging daan ang BINI para sa industriya ng P-pop at tila maraming netizens ang hindi natuwa sa komentong ito.
"Pag sumikat sila, sisikat din yung iba pang Pilipino," komento ni Karen. Na-trigger nga ang ilang fans ng boy group sa sinabing ito ni Davila at nag-share pa ang iba ng kontribusyon ng SB19 sa lumalagong industriya sa 'Pinas dahil nauna raw ang mga itong makapasok sa international music industry.
Comments