ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Dec. 22, 2024
Malinaw na nakasaad sa Artikulo 209 at 211 ng Executive Order No. 209 o mas kilala sa titulong Family Code of the Philippines ang mga sumusunod:
“Article 209
Pursuant to the natural right and duty of parents over the person and property of their unemancipated children, parental authority and responsibility shall include the caring for and rearing them for civic consciousness and efficiency and the development of their moral, mental and physical character and well-being.
Article 211
The father and the mother shall jointly exercise parental authority over the persons of their common children. In case of disagreement, the father's decision shall prevail, unless there is a judicial order to the contrary.
Children shall always observe respect and reverence towards their parents and are obliged to obey them as long as the children are under parental authority.”
Ayon sa mga probisyong nabanggit, ang ama at ina ang mayroong parehas at pantay na responsibilidad at karapatan na pangalagaan ang kanilang mga anak. Mananatili sa kanila ang karapatan para sa kustodiya ng kanilang anak maliban na lamang kung may pagkakataon kung saan kaakibat ng isang usapin ay ipinag-utos ng hukuman na ang kustodiya ay mapunta sa ibang tao.
Sakaling mayroong hindi pagkakaintindihan o magkaroon ng usapin tungkol sa parental authority ng mga magulang ng bata, ang desisyon ng ama ang mangingibabaw maliban na lamang kung mayroong kautusan ang husgado na kontra para rito.
Kaakibat ng mga probisyong ito ay ang mga nakasaad patungkol sa karapatan ng magulang sa mga batang hindi lehitimo sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9255 kung saan inamyendahan nito ang Artikulo 176 ng Family Code. Nakasaad sa nabanggit na probisyon na:
“SECTION 1. Article 176 of Executive Order No. 209, otherwise known as the Family Code of the Philippines, is hereby amended to read as follows:
Article 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”
Sa isang sitwasyon kung saan hindi kasal ang ama at ina ng isang bata, ang parental authority ay nararapat na manatili sa ina nito. Para sa mga hindi lehitimong anak, ang ina ang mayroong karapatan para sa kustodiya ng kanyang anak. Subalit mayroong karapatan ang ama nito na bisitahin ang hindi lehitimong anak. Ang karapatang ito ay may kaakibat na obligasyon ng nasabing ama na bigyan ng suporta ang kanyang kinikilalang hindi lehitimong anak.
Para sa mga lolo at lola ng mga bata, ang tanging karapatan nila sa kanilang mga apo ay ang tinatawag na substitute parental authority kung saan sinasabi ng batas na:
“Article 216- In default of parents or a judicially appointed guardian, the following person shall exercise substitute parental authority over the child in the order indicated:
The surviving grandparent, as provided in Article 214; xxx”
Kadalasan ang mga lolo at lola ay karaniwang kinukonsulta sa mga importanteng usapin tungkol sa pamilya subalit hindi sila dapat na nakikialam sa pangangalaga (parental authority) ng mga magulang sa kanilang mga anak. Magkakaroon lamang ang mga lolo at lola ng kontrol sa pangangalaga sa kanilang mga apo kapag ang mga ito ay wala nang parehong magulang o iniwan ng mga magulang ang kanilang mga apo sa kanilang pangangalaga.
Comments