ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 2, 2025
Ipinahayag na patakaran ng Estado ang protektahan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa dekalidad na edukasyon sa lahat ng antas. Kaugnay nito ang tungkulin ng Estado na magsagawa ng naaangkop na mga hakbang upang gawing bukas at abot-kaya para sa lahat ang naturang edukasyon. Nang dahil sa tungkuling ito ng Estado, isinabatas ang Republic Act No. 12028 (R.A. No. 12028) na kilala sa pinaikling titulo bilang “Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act.”
Ang ARAL program ay itinatag upang magkaloob ng pambansang programa ng interbensyon sa pag-aaral. Ang nasabing programa ay base sa mga sumusunod:
“(a) Well-systematized tutorial sessions which demonstrate higher achievement gains;
(b) Well-organized intervention plans and learning resources developed in consultation with curriculum and reading specialists, following a learner-centered approach that is supportive and empathetic of the learner's needs, motivation and behavior, including but not limited to one-on-one or group tutorials;
(c) Effective and accessible delivery modes for tutors and learners;
(d) Careful determination and assessment of learners;
(e) Well-chosen and trained tutors and learning facilitators; and
(f) Alignment with existing DepEd policies for the development and provision of nutritional, social, and emotional, and mental health programs to support and ensure the holistic well-being of learners, and for them to prosper academically, build resilience against adversity, and be equipped with skills and confidence to seek help for early intervention during their educational journey.”
Ang pagkakatatag ng ARAL Program ay alinsunod sa polisiya ng Estado na suportahan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang libre at epektibong pambansang programa ng interbensyon sa pag-aaral. Ito ay upang tiyakin na ang lahat ng mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang mga aralin, lalo na sa pagbabasa, matematika, at agham, ay makakamit ang mga kakayahan na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa kani-kanilang antas.
Ayon sa Seksyon 3 ng naturang batas:
“Section 3. Coverage. -- This Act shall apply to the following learners from Kindergarten to Grade 10 under the public basic education institutions of the DepEd:
(a) Those who have returned or are returning to school after a furlough;
(b) Those who are below the minimum proficiency levels required in reading, mathematics, and science; or
(c) Those who are failing in examinations and test as assessed and evaluated by the teachers during the course of the school year.”
Malinaw na nakasaad sa nasabing seksyon na ang mga probisyon ng ARAL Program Act ay sumasakop sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10 na galing sa mahabang bakasyon o indefinite leave; hindi umabot sa kinakailangang kagalingan para sa asignaturang Reading, Mathematics at Science; at iyong mga bumagsak sa pagsusulit ayon sa pagsusuri ng mga guro.
Ang mga mag-aaral na kabilang sa pinakamababang antas ng kasanayan ay maaaring payagang magpatala sa mga pandagdag na klase (supplemental classes) sa ilalim ng Aral program sa panahon ng bakasyon sa tag-init (summer time). Ibibigay ang prayoridad sa mga mag-aaral na gaya ng mga nabanggit sa unahan.
Sa huli, ang ARAL program ay higit pang titiyakin ang karunungan at kasanayan ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang asignatura, at iiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Comments