ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 16, 2025

Alunsunod sa A.M. No. 02-11-12-SC (Rule on Provisional Orders), na inilabas ng Korte Suprema noong Marso 4, 2003, maaaring mag-isyu ang hukuman na dumidinig ng kasong petition for declaration of nullity, annulment of marriage, o legal separation ng provisional order at protection order. Ang mga kautusang ito ay maaaring ibaba ng husgado upang bigyan ng proteksyon ang mga kapakanan ng mga taong kasangkot dito, lalo na ang mga anak.
Karaniwang sakop ng provisional orders ang suporta at kustodiya ng mga anak. Ayon sa Section 3 ng nabanggit na Rule on Provisional Orders, ang suporta para sa mga anak ay manggagaling mula sa absolute community o conjugal properties. Maaari ring ipag-utos ng husgado na alinman sa mga magulang ay magbigay ng suporta batay sa mga sumusunod na pamantayan:
“In determining the amount of provisional support, the court may likewise consider the following factors: (1) the financial resources of the custodial and non-custodial parent and those of the child; (2) the physical and emotional health of the child and his or her special needs and aptitudes; (3) the standard of living the child has been accustomed to; (4) the non-monetary contributions that the parents will make toward the care and well-being of the child.
The Family Court may direct the deduction of the provisional support from the salary of the parent.”
Kinakailangan lamang na ang bawat kautusan ng husgado ukol sa halaga ng suportang dapat ibigay ng isang magulang ay sasang-ayon sa pinansyal na kapasidad ng huli.
Maliban sa kautusan tungkol sa suporta, maaari ring ipag-utos ng husgado kung kanino sa mag-asawang magulang ibibigay ang kustodiya ng kanilang mga anak. Sa anumang kautusan ng husgado na may kinalaman sa kustodiya, ang pinakamainam at pinakamabuting interes ng bata (best interest of the child) ang siyang isasaalang-alang.
Sa kautusan ukol sa kustodiya ng bata, ang mga sumusunod na pamantayan ay marapat na maging batayan ng husgado upang mabigyan ng proteksyon ang interes ng bata:
“(a) The agreement of the parties;
(b) The desire and ability of each parent to foster an open and loving relationship between the child and the, other parent;
Comments